Chapter 50
PRINCE'S POV
"Mga kuya salamat po sa lahat ng jokes niyo. Sobra po kaming natutuwa sa inyo." sabi ng kapatid ni Kislap. Ang future sister-in-law ko na si Monique. Haha.
"Ingat kayo dito ha." Sabi ni Papa este papa ni Kislap.
By the way, we're here at the airport. Hinatid lang namin sila dito. Actually sumama yung buong Exotic Lions para ihatid ang family ni Kislap. Ang dami namin dito at halos lahat ng tao nakatingin sa'min dito.
"Huhuhu. Tita Mia mamimiss po kita pati na po yung masasarap mong ulam." pag-iinarte ni Luke.
"Naku hijo wag ka na malungkot, nandiyan pa naman si Dom para ipagluto kayo ng masasarap na ulam."
"Ehh busy na po sya sa pakikipaglandian kay Prince eh. Huhuhu." Tinapakan ko yung paa ni Luke.
"Huhuhu! Masyado niyo kong inaaping mga peasants kayo!"
"Hay naku Luke! Drama ng buhay mo."
Hahaha. Nabara tuloy siya ni Nicko.
"Ano ba naman tong si Nicko. Paepal. Kita mong nagdadrama ako rito eh. Sarap mo ring isama sa maleta nila eh noh."
"Sun! Sun! Suntukan!" haha. Yan ang sigawan ng mga loko rito kaya yung mga tao mas lalo kaming pinagtitinginan. Naku po! Nakakahiya! Mga isip bata.
"Hoy! Pag di kayo tumigil maeexperience niyo lumipad na nasa gulong ng eroplano." sabi ko at ayun mabuti naman kahit papano nanahimik.
"Kuya Prince..." nakita kong lumapit sa'kin si Sheila. Hawak-hawak niya ung dulo ng polo ko. Hanggang tuhod ko lang ata tong batang to. Kaya binuhat ko siya.
"Bakit baby?" tanong ko sakanya pagkabuhat ko. Ngumiti siya at bigla niya akong hinalikan sa pisngi. Lahat kami nagulat sa ginawa ni Sheila.
"Naks. Atapang atao si Sheila! Hahaha" Nathan
"Pano ba yan Dom, mukhang may kaagaw ka na kay Prince." Ivan
"Hmp. Kayo talaga oh." sagot ng mahal ko.
"Kuya, alagaan mo si Ate Dom ah. Mabait si ate kaya bait din ikaw sakanya." haha. Ang cute talaga ni Sheila. Hindi siya isip bata mag-isip 'di katulad sa mga unggoy kong mga kasama ngayon.
"Oo naman. Hindi lang aalagaan. Mamahalin pa siyempre!" pagkasabi ko nun ayun nag-asaran na naman sila.
Binaba ko na si Sheila kasi gusto niya ng makipag-laro kay Alex. Si Alex talaga bagay maging tatay eh. Napaka-maalaga ng taong yan. Nakita ko namang parang lumayo ng kaunti si Tita Mia at si Kian. Ewan ko pero parang napaka-seryoso ng pag-uusap nila.
"Pre mukhang malalim iniisip natin ah." biglang lapit sa'kin ng mokong na si Luke.
"Tss."
"Ano kaya pinag-uusapan nila Tita? Mukhang seryoso masyado. Parang nag-aalala ung mukha ni Tita Mia ah." ang daldal talaga ni Luke. Pero talagang mukhang seryoso ang usapan nila Kian. Tungkol saan kaya yun?
"Alam mo kung ano Luke?" mabiro nga 'to. Ako naman mangti-trip sa kanya.
"Ha? Ano?"
"Pinag-uusapan nila kung pano ka nila bubugbugin. Haha."
"Psh. Last mo na yan Pre."
"Mga bata, wag kayong makulit kayla Nanay at Tatay ah. Wag pasaway ha." napatingin ako sa pinaka-magandang babaeng nakilala ko.
BINABASA MO ANG
Stuck in a Team
Fiksi RemajaWhat will happen kung ang isang promdi girl ay pumunta sa Manila para maghanap ng trabaho pambayad sa utang nila? Babalik ba siya na wala ng problema o babalik siya na may dala pang dagdag na problema? Oh! And wait... She is working as a maid in a...