Chapter 63
MICHAEL'S POV
"Break muna team!" sigaw ni Ivan.
Nandito kaming sampu including Abo, Jae and Pinky. May practice kami ng basketball at nanunuod lang sina Abo.
"Hooo! Kapagod." sabi ko at uminom ng tubig. Nagpunas muna kami ng pawis bago lumapit sa girls. Alam niyo naman yung tatlong yun. Medyo may pagka-maarte. Haha. Lalo na si Abo. Tsk.
Pero kahit ganon siya...
Wala. Nevermind. Hahaha.
Nang matapos na kami sa pagpunas at pagpalit ng tshirt. Lumapit na kami sakanila.
"Grabe! Sakit ng katawan ko. Urgh!" pagrereklamo ni Patrick. Kahit din naman ako masakit din katawan ko. Hayop 'tong si Ivan eh.
"Si Hon naman kasi. Mas matindi pa kay Captain magpa-warm-up. Tsk."
Si Ivan kasi ang pangatlo sa pinakamagaling magbasketball samin at siya rin ang inassign ng coach namin na magtake-over muna sa team since ang Captain at Vice Captain ay wala.
"Bakit may reklamo ka Michael? Gusto mo bang ipagpush-up kita ngayon na ha?!" sigaw ni Ivan. Sapatusin ko 'to eh. Pag ako pinagtake-over rin ni coach. Humanda 'to sa'kin. Bwahahaha.
"Omg! Ang manly mo ngayon Kuya Ivan. Ang gwapo mo! Kyaaah!" kilig na sabi ni Abo.
"Tss. Anong manly dun? Yan si Ivan manly? Utot. Mukha ngang hello kitty yan eh tapos mas maganda pa sa Barbie doll tapos manly? Tsk." inis na sabi ko. Manly ba agad 'yun? Psh!
"Oh bakit nagseselos ka?" asar ni Ivan sa'kin. At...
"Ayeeeee! Magkatuluyan kayo niyan!" asar nilang lahat kayla Ivan at Ash.
Bigla ba namang inakbayan ni Ivan si Abo at eto namang si Abo niyakap din si Ivan?!
Fokkk.
"Maghiwalay nga kayo. Ang sakit niyo sa mata eh." hinila ko si Abo kay Ivan.
"Selos ka lang eh." pang-aasar ni Abo sa'kin. Tsk. Trip niya ako ngayon ah. Pagtitripan ko rin siya.
"Oo nagseselos ako pero hindi kay Ivan, sa'yo." dumila ako at binitawan ko siya sabay niyakap ko si Ivan.
"Hon, naman pinagpapalit mo na ako sa bruhang 'yan. Kainis ka." Nagbading-badingan na lang ako para hindi halatang nagseselos ako kay Ivan kanina. Sapakin ko 'tong si Ivan eh. May paakbay-akbay pa kay Abo. Tsk.
Oo na. Kras este crush ko na si Abo. Masaya ka na? Hindi pa ba halata.
Nagtawanan lang kami do'n. As usual usapang mga walang kakwenta-kwenta na naman. Lalo na't nandiyan si Luke. Hahaha.
Sa kalagitnaan ng pagtatawanan namin. Biglang dumating si Coach.
"Uy Coach!"
"Hello po!"
"Hi coach!"
Bati namin sa kanya. Siya si Coach Cockroach. Pfft. Hahahaha. Joke.
Siya si Coach Torres. Matangkad na lalake. Medyo may edad na pero malakas pa ring tignan ang pangangatawan niya.
"Hi guys! Itatanong ko lang sana kung ano na ba nangyayari kina Kian at Prince? May problema ba? Ilang araw na silang hindi nakaka-attend ng practice ah."
Nagkatinginan kaming lahat. Mukhang lahat kami rito eh naghihintay lang ng magsasalita sa'min.
"Uy. Okay lang ba kayo mga hijo't hija?" Tanong niya. Tinignan niya kami at nang makita niya si Abo, "Ashley right?" Turo niya kay Abo.
BINABASA MO ANG
Stuck in a Team
Novela JuvenilWhat will happen kung ang isang promdi girl ay pumunta sa Manila para maghanap ng trabaho pambayad sa utang nila? Babalik ba siya na wala ng problema o babalik siya na may dala pang dagdag na problema? Oh! And wait... She is working as a maid in a...