Chapter 60

25.6K 485 88
                                    

Chapter 60

DOMINIQUE'S POV

Ilang linggo na ang lumipas mula ng mangyari yun. Mula ng mangyari ang nagpawindang sa buhay ko. Maraming nangyaring hindi ko napaniwalaan agad-agad. Mga pangyayaring sobrang nasaktan ako at hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako.

"Dom hija, nakatulala ka nanaman. At yung iginuguhit mo mukhang malungkot nanaman." nag-aalalang sabi ni Ma'am Teresa sa'kin.

Oo. Tinaggap ko na yung inaalok niyang trabaho sa'kin noon. Naaalala niyo pa ba siya? Yung nasa rest house pa ko nila Paa? Naaalala niyo pa ba yung ginawa ko nung nasa may tabing dagat ako, yung panahon na nakita ako nila Ma'am Teresa? Yung gawa ko raw na 'yun, binili ng isang mayamang tao. Nagandahan daw siya sa painting ko at sabi pa raw nun eh, sana raw makapagguhit pa ako. Kaya naman malaki ang pasasalamat sa'kin ni Ma'am Teresa nang pumunta ako rito. Malaki rin naman ang kinikita ko sa pag-guguhit ko rito kaya okay na rin 'to basta may kinikita ako at may naipapadala ako sa mga magulang ko. Masaya na ako.

Umalis na ako sa bahay ng Exo. Hindi naman makapal ang mukha ko na tumira pa rin kayla Prince at hindi rin makapal ang mukha ko para pag-aralin pa ako ni Tita Cath. Kahit papano may dignidad pa rin naman ako. Maayos akong nagpaalam kay Tita Cath na aalis na ako. Nung una nga, hindi niya pa ako pinayagan na umalis at pag-aaralin niya pa rin daw ako pero sino ba naman ako para patuloy pa ring tanggapin yun. Sobrang tanga ko nadin kung gagawin ko yun. Araw –araw ko lang sasaktan ang sarili ko. Mas lalo lang liliit ang tingin sa'kin ng Daddy ni Prince. Isa lang akong hampas lupa. Sobrang malayo ang agwat naming dalawa. Kumbaga sa pagkain siya yung ini-export ako yung may mga uod.

Nagpaalam na rin ako sa pamilya ni Kian. Nakakahiya naman kung mag-i-stay pa ako sakanila at saka isa pa si Paa kasi baka pumunta nanaman sa bahay nila at manggulo.

Wala akong sinabihan kung nasaan ako ngayon. Gusto ko munang mapalayo sakanilang lahat. Maski kay Kian o kayla Ash, hindi ko rin sinabi.

"Okay ka lang ba talaga hija? Mula ng dumating ka rito. Lagi ka ng malungkot. May problema ba?" tanong niya pero umiling lang ako at pilit na ngumiti.

"Kung may gusto ka, sabihin mo lang ah. Ituring mo ako na parang totoong ina."

"Salamat po." sabi ko at ngumiti ako.

"Walang anuman. O'sige. Ipagpatuloy mo muna yang ginagawa mo. Pupunta lang ako sa loob baka may mga customer na."

Iniwan na niya ako rito sa kwarto kung saan nakalagay ang mga materials na pwedeng gamitin sa pag-guguhit. Maraming mga kagamitan dito, kumpleto lahat sa mga art materials at marami ring mga painting dito na mula sa iba't ibang magagaling na artist.

Sabi ni Ma'am Teresa ako lang daw ang nag-iisang artist na nandito. Yung iba kasi ay may mga kanya-kanya ng business matapos silang madiscover dito sa shop niyang ito. Kaya sabi niya, baka ako rin daw ay madiskubrehan ng mga professional artist.

Naging mabait si Ma'am Teresa sa'kin. Sa totoo nga ang buong pamilya niya'y mabait sa'kin. Nagpapasalamat pa rin ako sa Diyos at hindi niya ako pinapabayaan.

Libre ang pagtira ko rito sa shop. May kwarto rito na ako lang ang nakatira. Sila Ma'am Teresa kasi may bahay na inuuwian.

Gusto pa nga nila na dun ako tumira kaso nakakahiya naman kaya sabi ko dito na lang ako para at least kahit kailan ko mang naising gumuhit, makakagawa ako. Ako rin ang taga-bukas ng shop na 'to. Medyo may kalakihan 'to at maganda.

"Hi Ate Dom! May dala akong pagkain for you." nakangiting sabi ni Rachelle, ang bunsong anak ni Ma'am Teresa. Yung babaeng kasama niya nung nagpapaint ako sa may dagat.

Stuck in a TeamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon