Chapter 62

23.6K 401 28
                                    

Chapter 62

DOMINIQUE'S POV

"Ate ang ganda naman po ng pinipaint niyo." masayang sabi ni Rachelle sa'kin habang gumuguhit ako.

"Naku salamat ah."

"Wala yun ate. You're really the best!" lagi akong pinupuri ni Rachelle sa tuwing gumagawa ako ng painting. Siya kasi minsn ang nakakasama ko rito sa kwartong 'to, dito sa shop. Kaya kahit paano di naman ako nababagot.

"Ate sa lahat ng mga ginagawa mo, parang may kakaibang meaning. I don't know why but I really feel sad every time na titingin ako sa mga gawa mo. Ate may problema po ba? Tell me. Halos isang buwan ka na rito pero nakikita kita minsan na malungkot. Kapag tinatanong ko naman si Kuya Raphael, lagi siyang no comment. Ate why? Mind to share?"

Napabuntong-hininga na lang ako. Halatang halata ba sa mga ginuguhit ko ang sakit na nararamdaman ko?

"Okay lang ate. Kung hindi ka pa handa ngayon, maghihintay ako kapag handa ka ng magshare ng problems mo."

"Salamat ah."

"By the way ate, is there a story behind that?" turo niya sa gawa ko.

"Sabi kasi ng teacher ko sa Arts kanina, every painting has its own story. Tulad na lang nung painting kay Mona Lisa at dun sa The Scream. Ikaw ate? What's the story behind that birds?" tanong niya habang turo-turo yung gawa ko na may mga ibon. Puro ibon kasi ang iginuguhit ko ngayon.

"Ganito kasi yun Rachelle, uhm... Nakikita mo ba 'tong simpleng ibon dito?" turo ko dito sa gawa ko at siya naman tumango.

"Oo ate. Nagtataka nga ako eh. Bakit siya walang kapartner tapos etong dalawa mukhang masasayang ibon. Parehas pa sila ng itsura ng partner niya. Love birds ba yan ate?" tanong niya kaya tumango ako.

"Oo love birds yan. Parehas sila ng itsura kumpara sa nag-iisang simpleng ibon dito. Yung ibon na 'to kailangan niya pa munang maging magarbo para magkaroon ng ka-partner."

"Eh bakit ganon ate? Hindi po ba siya pwedeng magkaroon ng ka-partner kahit hindi siya magarbo? kahit simple lang siya?"

"Siguro pwede. Pero sa katulad lang niya na simple lang."

"Ah... Kaya pala yung simpleng ibon nakatingin lang sa dalawang magarbong ibon. Siguro gusto niya yung isang magarbong ibon."

"Uhm... siguro..."

"At siguro mas pinili na lang niyang mapag-isa kasi alam niya sa sarili niya na mahirap maging katulad nila."

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay Rachelle. Pero ang galing niyang umunawa sa ginuhit ko. At tama nga siya sa mga sinabi niya.

Alam niyo naman na siguro kung ano yung tinutukoy ko diba? Kung ano ang nais kong ipahiwatig sa painting na 'to.

May mga bagay kasi na kahit anong ipagpilitan natin wala ng mangyayari. May mga bagay na kahit gusto nating ipaglaban, alam mong sa huli ikaw pa rin ang talo at wala na itong patutunguhan. Kaya para di ka masaktan tigilan mo na lang.

"Edi magdrawing pa tayo ng isang ibon na kagaya ng simpleng ibon na yan para may ka-partner na si malungkot na ibon diba Dom?"

Napatingin na lang kami sa may pintuan. Isang lalakeng nagngangalang Raphael Chua ang nakangiti samin ngayon.

"Kuya!!!" sigaw ni Rachelle. Ngayon na lang kasi ulit nagpakita si Raphael. Siguro busy sa school.

Niyakap ni Rachelle si Raphael. "Kuya bakit ngayon ka lang?"

Stuck in a TeamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon