Chapter 41

39.7K 428 132
                                    

Chapter 41

DOMINIQUE'S POV

Kyaaaah! This is it! Ang pinaka-hihintay na gabi ng halos lahat ng estudyante sa Addison University, ang engrandeng ball sa balat ng lupa! Wahaha!

"Are you ready?" tanong sa 'kin ng gwapong-gwapo kong ka-date! Wanna know who?

"Syempre. Ready na ready! Tara na KC!" Sagot ko.

Sino pa bang KC? Edi si Kian Collins. Ang gwapo talaga ng crush ko. Hahaha. Lalo siyang guma-gwapo pag nakasuot ng tuxedo. Omergersh!

Kinilig nga ako kanina sa ginawa niya eh...

*FLASHBACK*

Nandito ako sa condo nila Ashley. Sila kasi mag-aayos sa'kin.

"Yan! Perfect! Ang ganda ganda ganda ganda ganda mo talaga Babe D." sabi sa 'kin ni Pinky, matapos niya akong make-up-an. Ako kasi yung huli nilang inayusan. Silang tatlo nakahanda na. Ang ganda nga nila eh. Para silang mga Dyosa! Parang mga barbie!

"Naku! Thank you talaga sa inyo. Super salamat kasi tinulungan niyo akong ayusan ako at ang dami niyo ng nagawa para sa 'kin kaya super thank you talaga at lagi kayong nandyan." Sabi ko sa kanila. Nakakatuwa talaga sila kaya mahal na mahal ko sila ng bonggang-bongga eh!

"Sus! Wala yun. Ikaw pa mahal na mahal ka namin eh. Right girls?" Ashley

"Super right!" sabay na sigaw nila Pinky and Jae.

"And of course thank you rin kay Kuya na binilhan ka at pinilian pa ng gagamitin mo today. Nakakainggit naman. Never niya pang ginawa sa 'kin 'yon, maski kay mommy! Hmp! Ang sweet talaga ni Kuya sayo. Diba Dom? Ayeeeee!" sabi niya at tinutusok-tusok pa yung tagiliran ko.

"Sweet? Parang hindi naman." Sweet? Sus! Kala mo lang. Haaay naku! Sarap nga pektusan nun eh. Kung anu-anong katripan pinaggagagawa sa 'kin!

"Deny pa?" Jae

"Hindi naman kasi talaga eh."

*ding dong*

"Wait lang!" sigaw ni Ash habang papunta sa labas. Nandito kasi kami ngayon sa kwarto ni Pinky na kasalukuyang puro pink yung makikita mo. Magmula sa higaan, sa couch, salamin, cabinet, pintura ng mga dingding at pintuan, jusme lahat talaga color pink!

Hinintay lang namin si Ash na bumalik hanggang sa pumasok na siya sa kwarto ni Pinky na ngiting-ngiti.

"Ehem! Ladies! Please welcome the hot and handsome no other than..." Ano ba yan pasusupens pa 'tong si Ash. Unti-unti niyang binuksan ang pintuan. "Mr. Kian Collins!" sabi ni Ash at pumasok si Kian na ang... Ang... Ang

GWAPO! Omg! Bakit ganyan ka Kian? May mas maigugwapo ka pa pala? Grabe na talaga 'to! Ang pogi-pogi parang artista!

"Hi!" bati niya at ako naka-nganga lang tapos yung mga mata ko gulat na gulat pa rin sa nakikita.

O____O

"Uhm... Dom... Can you close your mouth? Ayaw mo naman sigurong makatikim ng langaw diba?" Jae

"Ayy! S-sorry" Sabi ko na lang.

Ano ba yan Dom! Bakit nauutal ka pa! Ayusin mo yang dila mo! Masyadong napaghahatalataan! Kalma ha!

"You look so stunning Dom!" sabi ni Kian at lumapit siya sa 'kin.

*dug dug dug*

Yung tibok ko pumupuso. Hahaha. Este yung puso ko sheeet! Nagiging kabayo sa sobrang bilis! Bakit ba kasi ang gwapo ni Kian! Kalokaaaa!!!

Stuck in a TeamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon