Chapter 7
PRINCE'S POV
Nandito kami ngayon sa rooftop, naglalaro kami ng basketball. Magsho-shoot na sana ako ng bola kaso naagaw sa 'kin ni Kian. Nashoot naman niya kaso...
"Aray!" sigaw ni Kian. Nagkamali siya ng landing. Tsk. Katangahan kasi pinapa-iral. Eto namang si Kislap napatakbo agad dito at nilapitan si Kian.
"Anong nangyari sayo?" sabi ni Kislap na halatang alalang-alala siya. Psh! Malaki na yan! Kaya na nyan sarili niya.
"Namali ata ako ng landing kaya na-sprain ako."
"Pre, kaya mo pa ba?" Tanong ni Ryan.
"Oo pare." Sinubukan niyang tumayo pero ayun napahiga ulit sa sahig! Aish! Parehas lang sila ni Kislap. Katangahan minsan pinapa-iral.
"Hay naku, laro na lang ulit kayo. Ako na gagamot dito sa isang 'to." Sabi ni Kislap.
"Sure ka ba dyan? Kaya pa naman ata ni Kian eh."
"Ano ka ba 'di na nga makatayo kaya pa? Utak nga Paa."
"Tss. Bahala kayo. Tara na nga laro na lang ulit tayo." Sabi ko at iniwan ko na sila don. Nakita ko namang inalalayan ni Kislap si Kian. Urgh! Nakakairita si Kislap. Bakit ba concern na concern siya kay Kian? Eh malaki na yan.
"Oy kayo! Anong hinihintay-hintay niyo diyan? Tara game na ulit."
"Naku! Mukhang nagseselos ata si Captain. Tsk. Tsk."
"May sinasabi ka Alex?"
"Ha? Ako? Wala ah. Sabi ko ang saya-saya magpractice! Whoooo!" Nagde-deny pa 'to narinig ko naman. Psh!
Maya-maya nakita ko si Kislap na bumaba tapos umakyat ulit siya na may dalang ice. Psh! Nakita kong nilalagyan ni Kislap ng yelo yung ankle ni Kian!
Hindi ko na lang sila pinansin at pinagpatuloy ko na lang yung laro kaso bigla ko na lang narinig na sumigaw si Kian..
"Aray!" Sigaw ni Kian tapos hawak-hawak niya yung Paa niya. Si Kislap naman tawa nang tawa. Ano namang nakakatawa don?
"HAHAHAHA! Kala ko ba 'di dapat na makita kayong mahina? Tapos yan lang 'di mo kaya?"
At ayun tawa na naman ng tawa si Kislap sa reaksyon ni Kian.
"Eh. Masakit eh. Try mo kaya." At nag-pout pa ang loko. Akala mo naman bagay! Psh.
"Waaah! Ang cute mo naman." Pinisil ni Kislap yung pisngi ni Kian. Psh! May gusto ba 'to kay Kian?
"Hindi ako cute, gwapo ako." Asa! Mas gwapo pa ko sa'yo noh!
"Okay. Sabi mo eh." At ayun humalalhak na naman si Kislap.
"Oy! Kayong dalawa tigilan niyo na yan! Nagseselos si Prince oh!" Asar 'tong si Luke. Ako? Nagseselos?
"Tss. Mukhang nag-eenjoy naman sila eh."
"Huh?"
"Tss. Ewan ko sa'yo." Sinamaan ko siya ng tingin.
"Psh! Tara nga Kian doon na lang natin sa baba pagalingin yang namamaga mong ankle." Inalalayan niya si Kian pababa. Psh! Mabuti pa nga't bumaba kayo. Nakakairita kayo Makita.
"Prince!"
"Oy Prince!"
"Oy!"
"Oh? Ano ba?!"
"Kanina ka pa namin tinatawag dyan. Tulala ka lang." -Michael
"Bakit ba?"
"Maglalaro pa ba tayo o magseselos ka na lang dyan?" -Ivan
BINABASA MO ANG
Stuck in a Team
Roman pour AdolescentsWhat will happen kung ang isang promdi girl ay pumunta sa Manila para maghanap ng trabaho pambayad sa utang nila? Babalik ba siya na wala ng problema o babalik siya na may dala pang dagdag na problema? Oh! And wait... She is working as a maid in a...