Chapter 70
DOMINIQUE'S POV
"Kakain na po tayo!" sigaw ko mula rito sa kusina. Nagluluto ako kanina ng makakakain para sa tanghalian naming at ngayon handa na. Nasa sala sila at nanunuod ng balita. Hindi kalakihan ang bahay naming, sakto lang.
"Ate! Ate! Diba si Kuya Prince 'tong nasa T.V?" sigaw ni Monique mula sa sala.
Prince?
Pumunta agad ako sa sala para tignan kung ano man ang sinasabi ni Monique at...
Anak ng isa sa pinakamayamang CEO sa bansa ipapakasal na sa nag-iisang tagapagmana ng Lopez Enterprises
Yan ang balita na naka-flash ngayon sa T.V.
"Is it true na ikakasal na kayo?"
"Kailan ang kasal?"
Nagulat na lang ako sa dalawang tao na nasa telebisyon ngayon na kasalukuyang iniinterview.
"S-si P-prince nga." Nasabi ko na lang ng mahina na halos bulong na lang ito.
"Ate si Kuya Prince nga yan diba?! Pero sino po yung babae?" –Sheila
"Bakit sila ikakasal?" –Monique
"Diba ate ikaw yung mahal ni Kuya Prince?" –Jake
Sunod-sunod din na tanong ng mga kapatid ko. Pero hindi ko sila sinagot at tinuon ko na lang ang panunuod ko sa T.V.
"Yes. Ikakasal na kami." matipid na sabi ni Prince. Nakita kong hinawakan ni Paa ang kamay ni Danica. Napaka-sweet nilang tignan.
"Mahal na mahal niyo talaga ang isa't isa noh?" tanong pa ulit ng reporter.
"Of course yes. Right baby?" tanong ni Danica kay Prince. Hinawakan ni Danica si Prince sa mukha at nagngitian sila sa isa't isa.
"Yes. By the way, everyone's invited to our wedding." sagot ni Prince.
Bakit parang dinudurog ang puso ko? Bakit sobrang durog na durog ito ngayon?! Bakit sobrang nasasaktan ako sa mga naririnig ko at nakikita ko ngayon?! Diba sabi ko magmomove-on na ako. Bakit ganito?
Okay na ako eh. Pero bakit kasi ang yaman nila na kailangan malaman pa ng buong bansa na ikakasal na sila? Bakit kailangan pa nilang ipangalandakan sa buong PIlipinas?!!!
"Kailan ba ang kasal niyo?" tanong ulit ng isa pang reporter sa tabi nila.
"Sa---"
"Ay! Tay! Bakit niyo po pinatay?!" inis na sabi ni Sheila.
"Wag niyo ng panuorin yun anak. Pangit ng pinapanuod niyo. Tsk. Tara kumain na tayo."
Napatingin sa'kin si Tatay na mukhang nag-aalala pati rin si Nanay. Pero ngumiti na lang ako para malaman nilang okay ako kahit ang totoo nasasaktan ako. Pumunta na ako sa kusina.
"Kumain na tayo." sabi ni Nanay. Nakatingin lang silang lahat sa'kin. Yung mga kapatid ko sobrang nagtataka sa mga nangyayari.
Sa kalagitnaan ng aming pagkain, biglang nagsalita si Sheila.
"Ate, diba si Kuya Prince talaga yun?"
"Tsk. Sheila wag ng makulit okay?" saway ni Jake sa kanya. Mukhang nauunawaan na ni Jake ang nangyayari.
"Sheila, kamukha lang yun ng kuya Prince niyo. Hindi yun si Prince na nakilala niyo sa Maynila." paliwanag ni Nanay.
"Talaga po? Eh bakit nakalagay sa screen 'Prince'? Tapos kanina narinig kong Prince din ang tawag nung reporter dun sa lalake?" pagtataka naman ni Monique.
BINABASA MO ANG
Stuck in a Team
Novela JuvenilWhat will happen kung ang isang promdi girl ay pumunta sa Manila para maghanap ng trabaho pambayad sa utang nila? Babalik ba siya na wala ng problema o babalik siya na may dala pang dagdag na problema? Oh! And wait... She is working as a maid in a...