Chapter 25
DOMINIQUE'S POV
Nandito kami ni Renz sa mall, kasi nga diba niyaya niya ako kahapon na umalis ngayon? Haha. Kaya eto lakwatsa ang naisip niyang gawin namin! Wohooo.
Ang saya nga eh kasi para kaming bata. Kanina pa kami nandito sa mall eh. Kung saan-saan na nga kami pumunta kanina eh. Ito kasing si Renz eh. Haha. Ngayon lang daw siya nakapunta sa ganitong kagara na mall. Hahaha. Dejoke lang XD Kung makapagsalita kala mo sanay eh. Haha.
Nandito naman kami ngayon sa mga may token-token yung parang pinuntahan lang namin ni Kian.
"Waaaah! Renz ang dami na nating tickets. Ang saya-saya!"
"Oo nga. Marami na tayong pwedeng mabili. Haha."
"Tara. Ipapalit na natin 'tong mga 'to."
Marami kaming pinili ni Renz. Halos puro chichirya nga pinili namin eh. Haha. Para raw magfofoodtrip kami mamaya. Hoho.
***
Nandito na kami ni Renz sa may foodcourt. Kain lang kami nang kain dito. Mukha na nga kaming pulubi eh, sila sosyal yung mga pagkain. Kamusta naman yung amin? Hahahaha.
"Uy Dom. Mamaya nga pala uuwi na ako."
"Aww. Ang bilis naman." Nakakamiss din kasama 'tong ugok na 'to eh. Tapos ngayon aalis na agad siya. Huhu.
"Haha. Ganun talaga. Diba nga sabi ko isang araw lang ako rito. Pumunta lang talaga ako rito para kamustahin ka."
"Naks naman. Salamat pare! Haha!"
"Baliw. Seryoso kasi ako."
"Oo nga. Seryoso rin naman ako eh."
"Ang totoo niyan Dom, pumunta talaga ako dito kasi..."
"Kasi ano?"
"Kasi..."
"Kasi ano nga? Para namang ewan tong si Renz oh. Kasi ano ng---"
"Kasi gusto kong malaman yung sagot mo sa matagal ko ng tanong sa'yo."
"Ha? Yung alin ba?"
"Tsk."
"Oy! Ano nga?"
"Hay... Wag na. Alam ko na yung sagot."
"Ha!?" Ano ba kasing pinagsasabi netong si Renz!? Parang ewan
"Yung matamis mong OO."
Matamis kong Oo?
Ay! Tanga!
Oo nga pala.
Yun pala yung kanina niya pang sinasabi na matagal na niyang hinihintay na sagot.
"Ah eh... Ano kasi..."
"Oo Dom. Alam ko. Wag mo ng sagutin yung tanong ko. Baka masaktan lang ako." seryosong sabi ni Renz at mukhang malungkot pa.
Aww. Ayokong makita siyang malungkot.
Oo. Matagal ko na siyang binabasted. Pero malay ko bang hanggang ngayon 'di pa rin siya sumusuko.
Nung dati, wala lang sa'kin pag binabasted ko siya pero ngayon, mukhang seryoso talaga siya at ang sakit lang kasi ang hirap pa lang mam-basted. I mean yung seryosohan. Kasi akala ko joke-joke lang yun nung dati eh pero seryoso pala talaga siya.
Pero kasi, parang kapatid na lang talaga ang turing ko sa kanya tsaka isang matalik na kaibigan.
Napatahamik naman siya. Grabe! 'Di ako sanay na tahimik siya. Nakakapanibago.
BINABASA MO ANG
Stuck in a Team
Novela JuvenilWhat will happen kung ang isang promdi girl ay pumunta sa Manila para maghanap ng trabaho pambayad sa utang nila? Babalik ba siya na wala ng problema o babalik siya na may dala pang dagdag na problema? Oh! And wait... She is working as a maid in a...