Chapter 59
PRINCE'S POV
"Wala ng pero pero. Magpapakasal ka kay Danica at pananagutan mo yang anak niyo." pagkasabi nun ni Dad parang gusto kong suntukin yung pader na nandito.
Tangina lang! May anak na ako? Pano na si Kislap? Siya ang mahal ko.
Matagal ko ng alam na may anak ako. Ilang araw pa lang na dumating si Danica dito sa Pilipinas. Hindi ko to sinabi kay Kislap dahil alam ko namang masasaktan siya at hindi pa ako siguro sa panahong yun kung anak ko nga ba yun.
Sinabihan ko si Danica na tatanggapin ko lang yung anak niya kapag napatunayan kong anak ko nga yun.
Kaya naman nung mga nakaraang linggo pa lang nagpa-DNA test na kami.
Laging lumalapit sa'kin si Danica dahil sabi niya sa'kin kailangan ko ng masanay dahil kami rin namang dalawa ang magkakatuluyan sa huli.
Pero bullshit talaga! Kanina lang may pinakita sa'kin si Danica na DNA result at positive nga. Anak ko nga yung baby na dala niya.
Katulad na lang kahapon. Nung bigla siyang pumasok sa kwarto ko.
*FLASHBACK*
Kakatapos ko pa lang maligo. Magbibihis n asana ako ng pang-itaas ko ng may biglang kumatok sa pinto ko kaya agad ko itong binuksan.
"Hi baby."
"Stop calling me baby Dan." Pumasok na siya sa loob. Kaya sinara ko na yung pinto. Ano nanaman ba ang kailangan neto? Tsk!
Isusuot ko na sana yung pulo ko ng bigla siyang yumakap mula sa likod ko.
"Danica ano ba. Will you stop that. Mamaya may makakita sa'tin." Sabi ko at tinanggal ko yung yakap niya sa'kin mula sa likod ko.
"Okay lang yun. Dapat na silang masanay at dapat ka na ring masanay. Dahil malalaman mo na mamaya na talagang anak mo si Josh." Ayan nanaman siya sa topic na yan.
"Pwede ba Danica, hindi ko siya anak. Ilang beses ko ba dapat ulitin yan sa'yo." Sinuot ko na yung polo ko. Magbubutones na sana ako ng bigla siyang lumapit sa'kin.
Hinaplos niya bigla ang dibdib ko.
"Fvck Danica! Stop this." Pero hindi pa rin siya tumigil. Lumapit siya sa'kin at akmang hahalikan na niya ako ng bigla ko siyang itulak kaya naman nalaglag yung librong nakalagay sa table sa tabi niya.
*toktoktok*
"Danica, stop this nonsense. Wala na tayo. And never we'll be together again. May mahal na akong iba."
*END OF FLASHBACK*
Yun yung time na si Kislap lang pala yung kumatok at halatang nagulat pa siya sa hitsura ko nung mga panahong yun. Gusto ko mang sabihin sakanya ang tungkol sa mga pinagsasabi ni Dan pero hindi ko ginawa dahil alam kong masasaktan siya at pano na lang pag hindi ko pala anak yun edi nasaktan ko pa ang damdamin ni Kislap. Kaya minabuti kong wag na lang sabihin.
"DOM!" napalingon kaming lahat kay Kian na sumisigaw.
Fvck! Narinig ba ni Kislap yung mga pinag-usapan namin?!
Pumasok agad ako sa bahay at may nakita akong frame na nasa sahig.
Napatingin agad sa'kin si Kian pagkapasok ko at...
*boooogsh*
"That's what you get for hurting Dom's feeling. Hindi mo alam kung gano siya nasasaktan ngayon Prince. Alam mo bang dapat sasagutin ka na niya ngayon. Fvck! Pumayag ako na magparaya dahil alam kong mas sasaya siya sa'yo pero ano to? Damn!" sigaw ni Kian sa'kin. Hawak-hawak ko ang bibig ko na sinapak niya. Dumudugo yung bibig ko ngayon.
BINABASA MO ANG
Stuck in a Team
Roman pour AdolescentsWhat will happen kung ang isang promdi girl ay pumunta sa Manila para maghanap ng trabaho pambayad sa utang nila? Babalik ba siya na wala ng problema o babalik siya na may dala pang dagdag na problema? Oh! And wait... She is working as a maid in a...