Chapter 24

42.6K 509 73
                                    

Chapter 24

DOMINIQUE'S POV

"RENZ!!!?" gulat kong sabi at nakatingin sa kanya habang siya ganun din.

"WAAAAAAAAAAH! DOM!!?" sigaw rin niya at bigla siyang napatakbo sa pwesto ko at niyakap ako ng sobrang higpit.

"Ehem!" sabi ni...

Paa?

Ay! May mga tao nga pala rito. Muntik ko ng makalimutan. Hehe!

Napabitaw naman kaming dalawa sa pagkakayakap.

Siguro napansin nila kami na kanina pa nagyayakapan. Si Renz kasi eh parang kala mo isang taon na ang nakalipas. MMK?

"Ehem! Magkakilala kayo?" nagtatakang tanong ni Paa, sasagot na sana ako pero bigla namang sumagot si Renz.

"Ah... Eh... Opo. Girlfriend ko po siya."

"GIRLFRIEND!?" sabay-sabay nilang tanong maski si Kian na kanina ay tulog, nagulat din at nagsalita. Napatingin naman silang lahat sa'kin, para bang naghihintay sila ng sasabihin ko.

Ano ba naman 'tong pinagsasabi ni Renz! Waaah!

Magsasalita na sana ako ng biglang dumating si Manang.

"Mga bata luto na yung---RENZ!!?" sigaw din ni Manang.

Ano raw? Luto na hung Renz? Ano kayang lasa nun? Hahahaha! XD

"T'YANG!!!" sigaw ni Renz at napatakbo sa pwesto ni Manang at nagyakapan sila.

Huh!? Magtiyahin pala sila!?

"Manang pamangkin niyo si Renz?" nagtatakang tanong ko.

"Oo iha... T-teka kilala mo siya?" tanong ni Manang at tumango naman ako.

"Ah. Ayos! Ang liit nga naman ng mundo. O'sya, mamaya na tayo mag-usap-usap. Patayin niyo na yang TV at ng makakain na tayo." utos ni Manang.

"T'yang naman, gusto mo ata silang makulong eh." Renz

"Ha?" Manang

"Eh kasi t'yang sabi niyo, patayin yung TV."

"Pfft. Hahaha!" nagtawanan naman yung ibang Exo maliban kay Paa.

Naku po! Ang korneh!

"Ay naku! Talaga 'tong batang 'to. Tara na nga at kumain na tayo." Manang

Pumunta na kaming lahat sa kainan at eto namang si Renz, parang tuko kung maka-dikit sa'kin.

Pinagtitinginan na nga kami ng Exo rito eh. Hay! Kung anu-ano kasi pinagsasabi neto eh.

Nandito na kami sa kainan. Umupo na 'ko sa pwesto ko at ito namang si Renz tumabi sa'kin. Nagsimula na kaming kumain. Tahimik sila na para bang naghihintay ng sasabihin ko. Si Renz naman parang ewan, lagay nang lagay ng pagkain sa plato ko.

"Ano ba Renz?" sabi ko sa kanya.

"Ang highblood naman ng Girlfriend ko parang nanglalambing lang eh." sabi niya at napatingin naman silang lahat sa'min.

"Ano kamo iho? girlfriend mo si Dom?" tanong ni Manang.

"Opo--- aray!" napasigaw si Renz kasi tinadyakan ko. Haha! Kulet kasi eh.

"Hindi ko po siya boyfriend." pagkasabi ko nun ay napatingin naman sa'kin yung EXO.

"HINDI KAYO MAGSYOTA!?" sabay-sabay nilang tanong. Kakasabi ko lang diba?

"Hindi nga. Paulet-ulet?" pagkasabi ko nun, napatingin naman sila kay Renz, naghihitay yata sila ng sasabihin niya.

"Oo na. 'Di ko talaga siya Girlfriend." sabi niya.

Stuck in a TeamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon