Chapter 28
PRINCE'S POV
"Dominique. Gumising ka. Nandito na ako." sabi ko habang yakap-yakap pa rin siya. Tsk. Di naman nagigising. Ano ba gagawin ko?
Nandito pa rin kami sa may bodega.
"Kislap pag hindi ka gumising diyan hahalikan kit--- este ano... Tsk! Gumising ka na nga please." niyuyogyog ko siya para magising pero wala pa rin. Ayoko namang buhatin 'tong babaeng 'to. Kahit maliit lang 'to ang bigat naman. Parang dalawang sakong bigas na yung bigat niya eh.
Ano ba gagwin ko?
Patay na ba siya?
Tanga! Ano ba Prince! Patay agad! Mag-isip ka nga!
*ting*
Ah!!! Alam ko na!
Kinuha ko yung bag niya at hinalungkat yung laman nito.
Hmm... Nasan na kaya yun?
"Ah eto na! Ayaw mo magising ah!"
"*cough* *cough*" ayan nagising rin.
Alam niyo ba kung ano ginawa ko? Ayoko nga sabihin.
Binuhusan ko lang naman siya ng tubig. Pagkatapos kong gawin yun maya-maya nakikita ko ng minumulat niya yung mga mata niya.
"P-paa?" sabi niya ng maimulat na niya ang mga mata niya. Magsasalita sana ako kaso bigla niya akong niyakap ng mahigpit.
"Salamat Paa! Kala ko hindi na ako makakalabas dito." sabi niya sa boses niyang parang naiiyak habang yakap-yakap niya pa rin ako kaya niyakap ko na lang din siya.
"Shhh. Tahan na. Wag ka ng umiyak, ang panget mo. Nandito na ako." sabi ko habang yakap siya at hinagod ko ang likod niya.
Bumitaw na rin siya sa yakap at pinunasan ang mukha niya na binuhusan ko ng tubig.
"Teka nga pala, B-bakit basa mukha ko? Umulan ba?"
Ay naku po! Nag-iisa ka talagang Kislap ka.
"W-wala. Wag mo na isipin yan." sabi ko at kinuha ko yung panyo ko sa bulsa ko at pinunasan ang mukha niya.
"Ayan. Wala na. Tara, umuwi na tayo Kislap. Gabi na masyado." inalalayan ko na siyang tumayo kaso mukhang may hinahanap yata siya.
"Bakit?" tanong ko.
"Yung libro..." Banggit niya at parang may hinahanap siya sa paligid.
"Ah! Ayun!" may kinuha siya sa lapag na pulang libro.
"Ano yan?"
"Ito kasi yung pinapahanap sa'kin ni Sir Pascual dito." sabi niya at pinasok niya sa bag niya.
Ah. Yun pala yung dahilan kung bakit siya nandito. Takte! Bakit si Kislap pa yung inutusan ng Prof. na yun?! Bwisit.
"Tara na." sabi ko at kinuha ko sa kanya yung bag niya. Mamaya na ako magtatanong sa kanya kung pano siya na-lock dito pero sigurado akong may nag-sara ng pinto. Malaman ko lang talaga kung sino yun. Tsk! Lagot sa'kin yun.
Magtago ka na dahil 'pag nalaman ko kung sino ka, hinding-hindi ka na makakaapak sa school na 'to!
***
DOMINIQUE'S POV
Salamat sa Diyos at nakalabas pa ako sa madilim at nakakatakot na lugar na 'yun! Urgh! Takte! Ayoko na talagang bumalik sa lugar na yun.
BINABASA MO ANG
Stuck in a Team
Teen FictionWhat will happen kung ang isang promdi girl ay pumunta sa Manila para maghanap ng trabaho pambayad sa utang nila? Babalik ba siya na wala ng problema o babalik siya na may dala pang dagdag na problema? Oh! And wait... She is working as a maid in a...