Chapter 69

15.9K 321 14
                                    

Chapter 69

DOMINIQUE'S POV

Ilang araw na ang lumipas mula ng umuwi ako rito sa probinsya. Sobrang namiss ko ang pamilya ko. Nagulat pa nga sila nung biglaan akong dumating sa bahay. Hindi man lang daw ako nagsabi na uuwi na pala ako. Ayoko lang naman na mapagod pa sila para sunduin ako at isa pa kaya ko naman. Ikinwento ko rin sa kanila kung bakit ako umuwi. Ikinwento ko ang mga nangyari sa'kin sa Manila pero kayla Nanay at Tatay lang dahil masyado pang mga bata ang mga kapatid ko. Alam kong hindi nila ito maiintindihan.

Nung sinabi ko ang totoong nangyari, nalungkot sila para sa'kin. Sinisisi pa nga nila ang sarili nila dahil sila raw ang naging dahilan kung bakit ako nahiwalay sa kanila, kung bakit kailangan ko pang magtrabaho. Ang sabi ko naman, wala iyon sa'kin basta nakatulong ako sa kanila.

"Oh anak, nakatulala ka nanaman diyan." puna ni Nanay sa'kin.

"Wala po ito nay." sabi ko. Tulog na ang mga kapatid ko. Gabi na kasi ngayon at may pasok sila bukas.

Nandito ako sa labas, naka-upo at nakatingin sa mga bituin.

"Lagi mo na lang yan sinasabi sa'min pero ramdam naming may iba ka pang nararamdaman." sabi ni Nanay. Tumabi siya sa kinauupuan ko ngayon. Maya-maya ay lumbas si Tatay at nakisali rin sa usapan namin.

"Anak masaya ka ba?" biglang tanong ni Tatay. Nagulat ako sa tanong niya. Masaya naman ako diba? Siguro nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon pero mawawala naman 'to diba? Lilipas din naman ang pagmamahal ko kay Prince. Alam kong maglalaho rin ito.

"Opo naman po Tay. Masaya ako kasi nandito ako at masaya rin ako dahil kasama ko na kayo."

"Masaya ba ang puso mo?" dagdag na tanong ni Tatay.

"Opo naman po." sagot ko pero halata naman nilang nagsisinungaling lang ako.

Niyakap ako ni Nanay. "Anak, alam naming hindi ka masaya."

"Oo anak tama ang desisyon mong ipagtabuyan at tanggihan si Prince pero alam din naming hindi ka masaya sa desisyon mo." -Tatay

"Pero hindi naman namin sinasabi na sundin mo yung magapasaya sayo kahit mali ito. Ang pag ibig kasi anak kahit masakit basta kung alam mong tama yun dapat ang sundin mo. Dahil kung susundin mo lang ang kasiyahan mo para hindi ka masaktan ngayon sa tingin mo ba sa hinaharap hindi ka ba mas lalong masasaktan?" -Nanay

"Anak oo hindi ka masaya sa desisyon mo. Pero tama ang ginawa mo anak. Pinatunayan mo lang kung gano ka kalakas na tao na kahit mahal mo siya mas pinili mo pa rin ang tama." dagdag pa ni Nanay.

"Hayaan mo anak balang araw malalampasan mo rin yan, balang araw makakalimutan mo rin ang lahat ng mga yan. Kailangan mo lang ngayon ay magpakasaya at kalimutan na ang kung ano mang meron sa Maynila." sabi naman ni Tatay.

"Humihingi rin kami ng tawad sa'yo anak kasi kung hindi dahil sa'min hindi ka naman luluwas ng Maynila---"

"Nay hindi po. Wag niyo po sisisihin ang sarili niyo. Gusto ko naman po yung desisyon kong yun kaya nakarating ako sa Maynila. Wag na po kayo makonsensya para po talaga yun sa inyo." Sabi ko at nginitian ko sila.

"Hayaan mo na anak, hindi mo na kailangan pang magtrabaho dahil kami na ang kakayod para sa pamilya natin. Hindi mo naman talaga obligasyon ang magtrabaho. Sorry anak."

"Tay wag niyo na po sisihin sarili niyo." sabi ko at niyakap ko sila ni Nanay.

Nag-usap pa kami ng kung anu-ano doon, iniiba ko nga ang topic eh kasi puro si Paa na lang ang napag-uusapan namin.

"Sige anak matutulog na ako. Hindi ka pa ba matutulog?" tanong ni Nanay saka tumayo.

"Ako rin, matutulog na. Maaga pa kami ng nanay mo bukas." Sabi naman ni tatay.

"Mamaya pa po ako matutulog. Mauna na lang po kayo." sabi ko.

"Sige. Good night nak. Wag kang iiyak diyan ah? Haha." biro ni Nanay. Si Nanay talaga oh. Haha.

Pumasok na silang dalawa at ako na lang ang natitira sa labas.

"Dom!"

Napalingon ako sa may gate namin. Hindi gate na bongga ha? Simpleng gate lang meron kami.

"Renz?"

"Oo ako nga. Grabe 'to. Ilang buwan lang tayong hindi nagkita kinalimutan mo na agad ako." sabi niya. Pumunta ako sa may gate at binuksan ko ito.

"OA neto. Nagdrama ka pa. Halika pasok ka." sabi ko.

Umupo kami sa inuupuan ko kanina.

"Kamusta ka na Dom? Hindi mo man lang ako sinabihan na nakauwi ka na pala. Kung hindi ko pa makikita si Jake, hindi ko pa malalaman. Tsk. Grabe! Nakakatampo!"

"Haha. Pasensya naman."

"Biro lang. Kamusta?"

"Okay lang naman."

"Talaga? Parang hindi naman eh."

"Nagtatanong ka pa eh alam mo na nga."

"Haha. Si Prince ba?" Natahimik ako bigla sa tanong niya.

"Ay sorry. Hindi ko sinasadya." sabi niya.

"Okay lang. Wala yun."

"Okay lang ba kung ikwento mo sa'kin kung ano talaga ang totoong nangyari sa'yo sa Manila?" tanong niya. Nagdadalawang-isip ako kung sasabihin ko ba.

"Sige na Dom, sabihin mo na. Parang hindi tayo magkaibigan ah."

"Haha. Oo na sasabihin ko na. Ganito kasi yun..."

Sinimulan ko ng magkwento sa kanya. Nung una nainis siya kasi raw ipinagkatiwala niya ako kay Prince tapos gaganituhin lang daw niya ako.

"Diba sabi ko naman sa'yo sabihin mo lang sa'kin kung pinapaiyak ka nun at lilipad talaga ako papuntang Maynila para upakan yun."

"Hindi na. Hindi na kailangan. Okay na ako."

"Weh? Parang hindi naman."

"Oo nga okay lang ako."

"Okay lang daw siya pero umiiyak ka ngayon."

Napahawak ako bigla sa mukha ko at shet may luha nga.

"Halika nga rito." lumapit ako sakanya at pinunasan niya ang mga luha ko na patuloy pa rin sa pag-agos ngayon.

"Tsk. Okay lang daw siya pero hindi naman. Dapat kasi tinetext mo ko para naupakan ko na yung hinayupak na 'yon." inis na sabi niya.

"Hindi na kailangan. Hayaan mo na siya. Kakalimutan ko na siya."

"Sana nga Dom. Kalimutan mo na sana siya. Ayaw kong nakikita kang malungkot. Crush pa man din kita. Papangit ka na niyan sige ka."

"Baliw!"

"Baliw sa'yo. Yieeeee!"

"Hahaha." tumawa na lang ako sa kanya. Baliw talaga neto.

Magmomove-on na ako. Kaya ko siyang kalimutan. Kaya kitang kalimutan Prince Ashton Addison!!!

Stuck in a TeamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon