Chapter 46
DOMINIQUE'S POV
Nagising na lang ako ng iba na ang suot kong damit. Pakiramdam ko ang bigat ng suot ko.
Nasaan ba ako? Bakit ang dilim ng paligid? Na-kidnap ba ako? Pero wala akong pera pang-ransom! Baka naman nagkamali lang sila ng nadukot at baka yung kapit bahay namin yun. Waaah!
Tumayo na ako sa kinahihigaan ko. Wala akong marinig o maaninag na tao rito. Pakiramdam ko nasa isang bodega ako. Hindi ko alam... Wala akong makita.
Maya-maya may nakita akong ilaw. Pakiramdam ko nasa isang kwarto ako.
Tumayo na ako sa kinahihigaan ko. Sinundan ko yung ilaw kung saan nanggagaling.
May narining akong mga footsteps ng mga tao.
Y-yan na yata yung mga kumidnap sa 'kin! huhuhu.
"S-sino kayo ha? A-ano ang kailangan niyo s-sakin? Ano gagawin niyo sa 'kin? B'bakit niyo ko kinidnap!? Wala akong pang-ransom! Mahirap lang ang pamilya ko. Baka nagkamali lang kayo ng nadukot. Waaah! Ibalik niyo na ako! Mga walang hiya kayo---" Sigaw ko pero ang tangi ko lang na narinig ay...
"SURPRISE!!!"
Unti-unting nagliwanag ang paligid. Isa-isa kong nakita ang mga tao na nandito.
Sheeeet!!!! B-bakit sila nandito?! Ang dami-daming tao na nandito! Nandito yung Exotic Lions, ang mga babes ko, yung apat sa Wild Wolves, yung ibang taga-AU, mga profesors ko at...
Pamilya ko?
Hindi ko expected na makikita sila ng buo sa araw na 'to. Miss na miss ko na sila.
Tinignan ko ang buong paligid. Ang ganda! Sobra! Ang laki, laki, laki, laki ng lugar na 'to. May mga balloons na color pink. Ang daming cake tapos may cake na pagkataas-taas. Maraming bisita. Maraming tao! At yung suot ko! Naka-gown pala ako?! Ang ganda ng damit ko! Color pink din! May nakita akong salamin sa gilid ko.
Omygosh! Ang ganda ko ngayon. Hahaha. Ngayon lang.
Huhuhu. Naiiyak na ako. Bakit ganito? Ano bang meron?
"Ah... Eh... Pwede po bang magtanong? Ano pong meron?" tanong ko at lahat sila napaganito...
O____O --> =____=
"Seriously Babe D? Hindi mo alam?" Jae
"Na ano?" Nagtataka kong tanong at lahat naman sila nakaganito pa rin --> =___=
Yay! Katakot! Pasensya naman. Eh sa hindi ko alam ang nangyayari eh.
"Birthday mo kaya. Duh!" Jae
"Huh!? Birthday ko pala?"
"Hindi party ko 'to. Kaya nga kulay pink eh. Saka nakagown ka. Kasi birthday party ko 'to." Sabi ni Luke
"Aba malay ko ba. Baka ngayon mo lang balak magladlad. Kaya nagpaparty ka" sabi ko.
"Ay p're. Payag ka nyan hinahard ka? Iyak na!" Sabi ni Patrick.
"MWAHAHAHAHA!" tawanan nilang lahat.
Naku po! Nakakahiya!
"Oo Rapunzel! Birthday mo ngayon. Mwahaha! Nakakatuwa ka talaga." Alex
"Sorry. Birthday ko pala. Hehe." Yun na lang yung nasabi ko. Sino ba naman kasing shunga ang hindi nakakaalam ng sarili niyang birthday diba? Ako lang! Nakakahiya!!!
BINABASA MO ANG
Stuck in a Team
Teen FictionWhat will happen kung ang isang promdi girl ay pumunta sa Manila para maghanap ng trabaho pambayad sa utang nila? Babalik ba siya na wala ng problema o babalik siya na may dala pang dagdag na problema? Oh! And wait... She is working as a maid in a...