Chapter One

57 1 0
                                    

*ring* *ring*

"Ano ba naman yan. Hello? Sino ba 'to?"

Hindi ko alam kung sinong tumatawag sa akin kasi hindi talaga ako mahilig mag save ng contact numbers, except sa family ko. 

Well, kadalasan naman kasi, thru messenger na nag-uusap.

By the way, I'm Seffy Amber Kim. Medyo tamad pero may talino naman kahit papaano.

"You know what, I'm having a good sleep but because of you...." Hindi ko pa natapos ang gusto kong sabihin pero may sumagot na agad.

"Hey, girl. This is Sophia. Sorry for disturbing you pero kailangan mo nang bumangon. It's our first day of school and we have to welcome all the freshmen and transferees."

Si Sophia pala, ang most active student ng batch namin. She's the president of our Student Council. In fairness, maayos naman ang pamamalakad niya at lahat naman ay nag cocooperate.

"We? Anong we? Do it with your members. Sa dami niyo, makakaya niyo na iyan. Ok? Bye. I have to sleep pa."

"Girl, wait. Sabi mo sa 'kin, tutulungan mo kami."

Naiirita na ako ha.

"But you and your members are enough to have that event." Pilit kong sabi sa kanya.

"But Girl, please. I really need you. Please pumunta ka na dito."

Naiinis na ako pero hindi ko naman matiis etong kaibigan ko.

"Oo na, eto na, babangon na ako. I'll be there in 45 minutes."

"Thanks Girl. I really love you. Maasahan ka talaga. Bye. See yah."

Hindi talaga ako mahilig umattend ng mga programs sa school. Kadalasan nga eh di na ako umaattend, kaya lagi  rin akong pinagsasabihan.

Masama na ba nag estudyante? hahaha

Wala na akong naging choice. Nagready na lang ako tsaka umalis.

Nakarating na rin ako ng school at pagpasok ko dun eh settled na lahat. 

Ang mga booths ok na, yung mga decorations, ok na rin. Yung mga tarpaulins and banners ok na rin.

Ano pa ba ang gustong ipagawa sa akin ng babaeng yon eh ayos na rin naman ang lahat.

Mas nainis tuloy ako.

Tumalikod na lang ako at planong uuwi na lang sana kaso..

"Seff"

Patay! That was Sophia. Nakita niya pa ako, badtrip.

Hindi ko naman siya pwedeng idedma kaya hinarap ko na lang siya and she's with Leila. (our friend)

"Sophia! What is the meaning of this?"

"Girl, relax."

"Relax? Paano ako magiging relax eh tingnan mo nga. Everything is settled tapos pinapunta mo pa ako dito." Sumbat ko sa kanya sabay talikod sa kanila.

"Seffy Amber! Girl! Happy Anniversary!"

Anniversary? Wait. What? It's our Anniversary!

That feeling na nung narinig mo yung word na "anniversary" eh parang tumigil ang mundo ko.

Humarap ulit ako sa kanila ng dahan dahan.

"Sorry." Yun lang talaga ang nasabi ko.

"It's ok Sef." -Leila

Hindi ko kayang humarap sa kanila.

"Girl, cheer up. It's ok. Don't worry. We're not angry. Remember last year? Nakalimutan mo rin. Hahaha. At tsaka it's too early pa naman kasi eh. I think nakalimutan mo dahil naunahan ka na ng pagkairita mo sa akin. Hahaha"

Story Of My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon