Dumaan ang mga araw, ganun pa rin ang naging routine namin. Mabuti na lang at tinutulungan ako nina Sophia at Leila. Simula nung umamin sa akin si Daniel, medyo naging special ang turing niya sa akin pero yung hindi OA. Yung mga simpleng bili ng pagkain, bitbit ng mga mabibigat na libro ko. Hindi naman sa nagpapakipot ako pero hinayahaan ko lang siya na i express yung sarili niya towards sa akin.
Umabot din sa point na nagkakasalubong kami ni Brayden habang kasama niya Claire kaya di ko siya pinapansin. Alam kong tumitingin siya sa akin pero binabalewala ko lang. Hindi na ako halos dumadaan sa likod na pinto para di ako makadaan sa desk nila.
Two days before ng competition namin, medyo naging busy ang lahat para sa pagprepare kasi nga school namin ang host. At dahil dun, hindi na halos nagka klase ang mga instructors namin kasi busy na rin sila. Pero kami ni Brayden eh patuloy pa rin sa pagreview.
Naisipan namin na magpahinga muna at puntahan yung hall kung saan i heheld ang competition. Pagkarating namin dun, nakita kami nina Sophia at Leila kaya nilapitan nila kami.
"Good luck sa inyong dalawa. Galingan niyo ha. Nagpatarpaulin na kami." binuksan nila yung nakarolyong tarpaulin at nandun ang mukha namin ni Daniel.
"Hoy, mga walang hiya. Bat kailangan may mukha, pwede naman kasing pangalan lang eh." sabi ko sa kanila.
"Hayaan mo na kasi Seff. Nandiyan na rin naman yan eh. Importante eh gwapo ako diyan at maganda ka naman, bagay na bagay talaga tayo.." walang hiya talaga, humirit pa talaga sa harap nina Sophia at Leila. Nagkatitigan yung dalawa at pinigilang matawa habang ako eh hiyang hiya. Hindi ko pa pala na mention sa kanila na may gusto sa akin si Daniel.
"CR muna ako. Babalikan kita dito." at umalis muna si Daniel.
"Hay salamat, na timingan ka rin namin." sabi ni Leila pagka alis agad ni Daniel.
"Seff, binabalaan ka namin." bigla naman akong kinabahan. Parang may gagawa ng masama sa akin.
"Mukhang may balak na si Brayden na lapitan ka." dugtong ni Sophia.
"Para ano?" tanong ko.
"Ewan, di rin namin alam. Either tatanungin ka lang niya kung bakit di mo na siya pinapansin or baka umamin siya sa'yo." wala rin akong idea kung anong pwedeng mangyari kung magkakausap kami ni Brayden. Sinabihan ko na lang sina Sophia na bahala na kung anong mangyari.
Bumalik na sila sa stage para mag ayos ng mga decorations at sakto naman na dumating na rin si Daniel.
"Balik na tayo." yaya niya sa akin at sumunod naman ako. Papalabas na sana kami nang makasalubong namin sina Brayden at Claire. Mauuna na sana ako pero pinigilan ako ni Daniel at humakbang siya papunta sa harap ko kaya medyo natabunan ako.
"Daniel, good luck sa inyo bukas." sabi ni Brayden.
"Salamat, Brayden. Committee rin kayo dito?" mabuti na lang talaga at kinakausap sila ni Daniel. Di ko sure kung tinutulungan niya lang akong makaiwas or baka ayaw niya lang talaga na mapalapit ako kay Brayden. Eh diba nga, nililigawan niya ako.
Ay wait, di pa pala ako pumayag.
Nung medyo di na sila nag uusap eh nagpaalam na si Daniel sa kanila at sinabi na magrereview pa kami. Diretso naman kaming lumabas at di nga ako nakausap ni Brayden. Napansin ko naman kanina na dumudungaw dungaw siya sa likod ni Daniel pero patuloy lang kasi si Daniel sa pakikipag usap sa kanila.
Nang makarating na kami ng room eh napansin ni Daniel na tahimik lang ako.
"Gusto mo talaga siyang makausap noh?" biglang tanong ni Daniel.
BINABASA MO ANG
Story Of My Life
Teen FictionI'm Seff Amber. My name is quite weird diba. Birth month ko kasi is September kaya ganun. Pero karamihan, they call me Seff. I'm just a simple girl. Nagagawa ang gusto, nakukuha ang mga kailangan just like the other girls. Sadyang marami lang kasi a...