Oo, si Daniel ang kasama ko pero si Brayden ang iniisip ko.
Umiwas kaagad ako sa pagkakatitig naming dalawa.
"Salamat Seff."
Tumango lang ako.
Since nandito na rin kami, pagkakataon ko nang malaman kung ano talaga ang nangyari.
"Daniel, umamin ka nga?"
Siguraduhin niya lang na totoo ang sasabihin niya kung hindi baka madagdagan ko pa ang pasa niya.
"Wala nga. Ang kulit mo eh."
"Makulit na kung makulit. Eh sa gusto kong malaman eh. Alam mo hindi ako manhid para hindi mapansin ang lahat ng nangyayari"
Napatahimik tuloy siya.
"Oh ano? Hindi ka pa magsasalita? Coincidence lang ba na nagkapasa kayong dalawa ni Brayden? Iniisip mo na wala lang sa'kin? Iniisip mo na madadaan mo lang ako sa pa "wala lang" mong 'yan? Inuulit ko Daniel, hindi ako manhid."
Naiiyak na ako na nagsalita.
"Hindi ka manhid? Sigurado ka ba Seff sa sinasabi mong 'yan?"
Ha? Teka. Paano naman 'to napunta sa akin.
"What do you mean, Daniel?"
Medyi kinabahan ako.
"Sinabi mong hindi ka manhid. Yun ang akala mo Seff. Matagal ka nang gusto ng kapatid ko. Nung una pa lang, gusting gusto ka niya. Hindi mo man lang ba napansin 'yon? Alam mo, marami na ang nagbago sa kanya simula nung nakilala ka niya."
Mas kinabahan ako lalo sa sinabi ni Daniel.
Wala akong idea na gusto ako ni Daniel nung una pa lang.
"Natatandaan mo ba 'yung mga araw na pumupunta kayo ng mall tuwing klase? Hindi naman niya talaga gawain ang mag mall eh. Actually, hate niya 'yon. Pero para lang sa'yo, nagagawa niya 'yon."
Tahimik lang ako. Gusto ko marinig ang lahat.
"Natatandaan mo rin ba yung mga araw na nagkakasabay kayo mag skate board papuntang school? Hindi 'yon coincidence. Binabantayan ka naman talaga niya para lang makasabay ka. At simula nung hinahatid hatid ka na eh tumigil na 'yon sa pag skate board papuntang school. Nagpapahatid na siya sa driver namin."
"Totoo ba 'yang sinasabi mo?" tanong ko.
"At bakit naman ako magsisinungaling tungkol sa kapatid ko?"
Di mo nga masabi yung nangyari sa inyo, binubuking mo pa siya sa lahat ng ginagawa niya. Hmmp. Nakakainis ka talaga Daniel.
"At natatandaan mo rin ba yung araw na galeng kayo ng mall nga barkada niyo tapos naglakad kayo pauwi? Nung kayo na lang dalawa, ano yung tinanong mo sa kanya?"
Nag-isip muna ako hanggang sa natandaan ko.
"Ah. Kung saan yung bahay niya?"
"Eh ano yung sinagot niya?"
"Hmmm. Sa pagkakatanda ko eh parang sinabi niya na sa unahan pa o sa susunod pa raw na kanto. Hindi ko lang matandaan masyado."
Biglang ngumiti si Daniel. Para siyang baliw.
"Sa totoo lang, nalampasan niyo na yung bahay namin. Loko loko kasi 'yon eh. Gusto niya lang talaga na ihatid ka. Nagsinungaling pa ang loko."
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Nakakaloko naman 'to oh.
"Tutal nabuking ko na sayo lahat ng ginawa niya, sasabihin ko na rin sa'yo kung anong nangyari sa amin."
Hai naku. Sasabihin naman pala. Yun lang naman ang gusto kong malaman eh. Loko loko rin 'tong isang 'to eh. Magkapatid nga talaga sila.
"Nag-away kami, nagbugbugan."
Wow. Magsasabi na rin naman siya eh di sana kinumpleto naman niya.
"Obvious naman Daniel diba? Ang gusto kong malaman eh kung bakit."
Madadadagdagan ko talaga ang pasa ne'to eh.
"Dahil sa'yo."
Sabay tingin niya sa akin ng seryoso.
"Dahil sa'kin?"
"Bingi ka ba? Kailangan ulitin? Oo nga, dahil nga sa'yo."
Hindi ko muna iintindihin yung pambabara sa akin.
"Eh bakit nga dahil sa akin? Ano ba talagang nangyari? Kumpletuhin mo naman."
Dami pa kasing pasikot sikot eh.
"Ok. Hindi ka ba nagtataka kung bakit alam ko lahat ng ginagawa niya? Hindi lang naman kasi niya ako tinuturing na kapatid eh. Best friend niya rin ako. Kaya sinasabi niya lahat sa akin. Kanina, kinausap ko siya. At sinabi ko na liligawan kita. Hayun, nagalit agad sa akin."
Sino ba naman ang hindi magagalit non. Super close nila tapos biglang ganun. Hai nakokonsensya tuloy ako.
Bakit ba kasi ako pa.
"Sinapak niya ako kaagad tapos sabi ko sa kanya na hayaan niya akong magpaliwanag eh sa ayaw magpaawat hayun. Hindi siya tumigil sa pagsapak sa akin. Nasapak ko rin naman siya pero isang beses lang."
Oo nga. Napansin ko na konti lang yung pasa niya kaysa kay Daniel.
"Pero malala na yung kamay nun. Hindi ko naman kasi malapitan eh."
Bugbog na si Daniel pero si Brayden pa rin ang iniisip niya.
Naaawa na talaga ako sa kanilang dalawa.
"Pero Daniel, ano pa sana yung ipapaliwanag mo sa kanya?"
"Ipapaliwanag ko sana sa kanya na kahit anong gawin ko eh, hindi mo pa rin ako pipiliin. Na kahit anong effort ko eh wala pa rin."
Ha? Paano naman niya nasabi 'yon?
"Ikaw ba talaga ang magdidisisyon o ako?"
"Wag mo nang i deny Seff, alam ko naming si Brayden ang mahal mo. Simula pa nung nakaramdam ka ng pagmamahal sa kanya. Pero sinasabi ko sa'yo mas nauna siyang mahalin ka."
Nag-isip ako ng mabuti. Oo, totoo na lamang pa rin si Brayden kaysa kay Daniel. Mas mahal ko si Brayden eh. Hindi ko lang talaga maipakita kase nandiyan pa rin si Claire.
"Hindi mo naman kailangang matakot kay Claire. Kung mahal mo, ipaglaban mo. Ano? Hahayaan mo si Brayden na mahulog kay Claire. Alam mo Seff, sabi nga nga nila, natututunang mahalin ang isang tao. Hindi malayong mahalin ni Brayden si Claire. Hindi man ngayon pero malay mo, balang araw maging sila."
Mas napaisip ako. Hindi ko hahayaang makuha ni Claire si Brayden.
"Loko loko kasi 'yon eh. Pinangunahan niya ng galit. Hindi ko tuloy siya nakausap ng masyado. Kung alam mo lang Seff, hindi ako mabubuhay ng wala siya. Best friend ko 'yon eh. Okay naman kami ng ate namin pero may pagka immature kasi 'yon eh. Hindi naman talaga kasalanan ni Brayden yung nangyari kay Mommy. Mas pipiliin kong makasama si Brayden kaysa kay ate. Mas ramdam ko kasi na malaya ako kung kasama ko si Brayden. Kung si ate kasi ang kasama ko eh puro na lang "gawin mo 'to", "iwasan mo 'yan", "gayahin mo ako.". Nasasakal tuloy ako. Kaya nga umuwi ako ng Pilipinas ehh."
Hai Daniel, sana naririnig ni Brayden ang lahat ng sinabi mo.
"Tara na nga. Gagawan ko ng paraan na makausap si Brayden."
Makausap ko sana siya ng masinsinan. Aamin na ako. Sasabihin ko na lahat at magiging open na ako sa kanya. Sana nga talaga makausap ko na siya. Hindi lang tungkol sa kanila ni Daniel pero pati na rin sa akin.
BINABASA MO ANG
Story Of My Life
Teen FictionI'm Seff Amber. My name is quite weird diba. Birth month ko kasi is September kaya ganun. Pero karamihan, they call me Seff. I'm just a simple girl. Nagagawa ang gusto, nakukuha ang mga kailangan just like the other girls. Sadyang marami lang kasi a...