Chapter Nine

18 0 0
                                    


"Seff, pwede bang magtanong?"

Ano naman kaya ang itatanong neto?

"Ano 'yon?"

"Yung kasama ng Papa mo sa ospital..."

Ah. About kay Claire pala.

"Sino pala iyon?"

Hindi pa alam ni Brayden na adopted lang ako.

"Anak siya si Papa."

Halata sa itsura niya na nagtaka siya sa sinabi ko.

"Anak siya ng papa mo? Pwede mo namang sabihing kapatid mo ."

"Hindi ko naman talaga siya kapatid eh."

Tumigil ako sandali.

"Adopted lang ako Brayden." Sabi ko ng mahina.

Minsan, nahihiya akong sabihin sa tao na adopted ako pero inisip ko na totoo naman kasi kaya dapat tanggapin ko na sa sarili ko.

"Oh. Sorry Seff."

"Ok lang Brayden."

"Ganun ba talaga siya?"

Ha? Ako naman ang nagtaka sa tanong niya.

"Kasi hindi ko pa nga kilala eh parang close na kami. Yung sa ospital nung lumabas kami ng kwarto."

Ah yun pala. Yung lumabas kayo at naiwan ako.

"Actually, hindi ko rin sure kasi kakameet ko lang sa kanya. Kakauwi niya lang dito."

Hindi na nagtanong ulit si Brayden tungkol kay Claire.

Almost time na para next subject.

Hindi na tuloy ako nakagawa.

"Chika ka kasi ng chika, di na tuloy ako nakagawa. Mabilis pa namang malowbat tong laptop ko." sumbat ko sa kanya.

Pero tinawanan niya lang ako.

After ng mga klase namin eh naglunch na kami then balik din sa room.

Medyo early kaming nakabalik ng room kaya natulog muna si Brayden sa desk niya.

Malapit na mag 1 pm at may napansin kaming pumasok sa kwarto. Medyo malayo kasi ako sa pinto kaya di ko siya agad namukhaan.

Si Claire. Oo, si Claire.

Pinagtinginan siya ng lahat, dala na rin siguro ng pagtataka.

Nakita niya ako kaya lumapit siya sa akin.

"May nakaupo ba dito?" sabay turo sa upuan na katabi ni Brayden.

Akala ko nga sa akin siya tatabi eh pero halata talaga na ayaw niya sa kin. Hindi na rin ako nag offer na tumabi siya sa 'kin.

"Wala naman." sagot ko sa kanya.

Kaya umupo na siya tabi ni Brayden.

Dumating na instructor namin kaya ginising ko na si Brayden.

"Aw."

Narinig kong sabi ni Claire kaya napalingon ako sa kanya.

Yun pala natamaan siya ni Brayden nung mag unat siya pagkakagising niya.

"Ay sorry." sabi ni Brayden.

"You look familiar. Ikaw yung sa hospital."

Nagsalita na si Ma'am kaya di na nakasagot si Brayden sa kanya.

"Good afternoon class. So let's start with our lesson."

Magdi discuss na sana si Ma'am pero bigla niyang napansin si Claire.

Story Of My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon