Chapter Nineteen (continue)

13 0 0
                                    

"Pero Daniel, kahit alam mo na nagkagusto ako sa kapatid mo eh sana wag mong isipin na pumayag ako para makalimutan siya ha." gusto ko lang naman klaruhin kasi baka isipin niyang ginagamit ko siyang rebound. 

"Oo naman Seff. Hindi ko naman iniisip yun." 

"Sige na, umuwi ka na. Bukas na lang ulit." sabi ko sa kanya. Umalis na rin at kumaway muna sa akin. Tinanaw ko muna siyang makaalis hanggang sa nakalabas na nga siya ng school. Papasakay na sana ako sa motor nang may nagsalita sa likod at medyo nagulat ako.

"Kaya pala." si Brayden. Bigla lang siyang sumulpot.

"Anong ginagawa mo dito Brayden? Kanina ka pa ba diyan?"  tanong ko sa kanya.

"Bagong dating lang ako dito pero kanina ko pa kayo tanaw ni Daniel dun sa malayo." hindi ako nakasagot sa sinabi niya.

"Diba sabi mo, mag uusap tayo after competition. Sasabihin mo kung bakit mo ako iniiwasan pero mukhang alam ko na rin ang sagot mo. Kayo na ni Daniel?" tanong niya pero di pa rin ako sumagot. 

"Walang kinalaman ang kapatid mo kung bakit kita iniiwasan." sabi ko.

"So alam mo pala na kapatid ko si Daniel." sabi niya at tumango ako.

"Natatakot ka na magseselos siya kasi naging malapit na tayo?" tanong niya pero di ako sumagot at nakayuko lang.

"Sayang lang talaga kasi naunahan niya ako." napalingon ako sa sinabi niya.

"Mabuti pa siya nabigyan mo ng chance." dugtong niya. 

"Oo Seff, gusto kita." kahit alam ko na may gusto siya sa akin eh iba pala ang epekto pag sa kanya mismo galeng.

"Gusto ka rin pala ng kapatid ko." tahimik lang ako. Hinahayaan ko lang siyang magsalita.

"Hindi mo na kailangang umiwas sa akin Seff. Ako na lang ang iiwas sa'yo, sa inyo." at bigla na lang siyang umalis. Biglang may naramdaman akong kirot.










Story Of My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon