Magkasama nga kami ni Brayden sa plaza.
"Seff."
"Oh?"
"Thank you." Sabi niya.
"Ha? Saan?" pagtataka ko.
"Sa pagsama sakin dito. Kasi diba paalis ka na sana pero pinigilan muna kita.
"Sus. Wala yun, konting oras lang naman."
Almost 9 o'clock na kaya naplanuhan na naming umuwi.
"Magbabantay na lang muna ako ng taxi. Maglalakad muna ako dun para mas madali akong makahanap ng masasakyan." Sabi ko.
"Samahan na kita." Biglang sabi niya.
"Huwag na. Baka malayo pa yung bahay mo at madilim na oh. Mauna ka na." pilit ko sa kanya.
"Kaya nga eh, madilim na so kailangan may kasama ka sa daan."
Napatahimik ulit ako sa sinabi niya.
Ano ba 'tong pinagsasabi ng lalaking 'to!
Bakit bumibilis ang tibok ng puso ko?
"Huwag na kasi. Mauna ka na. Sanay na rin naman ako eh. Tsaka kung may magtatangka man ng masama sa 'kin eh kaya ko naman silang itumba" sarcastic na sabi ko.
"Paano nga kung may mangyaring masama? Konsensya ko pa?"
Ai. Nagsuplado pa talaga. Sarap sapakin eh.
Hindi ko naman siya pinipilit na sumama sa akin pero tibay din neto eh.
Habang naglalakad kami eh, dala dala niya yung bike niya.
Tapos, medyo naramdaman ko na biglang lumamig.
Bakit kasi ang lakas ng hangin ngayon?
Kailangan ko nang magmadali. Hindi ako pwedeng magtagal dito sa labas.
"Seff, ok ka lang? Bakit ka namumutla?"
Napansin siguro ni Brayden na nanghihina ako.
"Ok lang ako. Kailangan ko lang kasi talagang magmadaling umuwi." Sagot ko habang parang hinihingal.
Ramdam ko na talaga na nanghihina ako kaya parang napasandal na ako kay Brayden at nabitawan niya yung bike niya.
"Seff? Seff."
Hindi na ako nakasagot kasi parang naninigas na pati ang labi ko.
Narinig ko si Brayden na tumawag ng taxi habang inaalalayan ako.
Habang nasa loob kami ng taxi, panay sumbat si Brayden.
"Eto kasi ang sinasabi ko eh. Paano kung hindi ako sumama? Blah blah blah blah blah!"
Hindi ko narinig ang lahat ng sinabi niya. Sobra na akong naghihina.
Pinabayaan ko lang siya na magsalita nang magsalita.
Hanggang sa nakarating na kami sa hospital.
Nakatulog na ako kaya hindi ko alam kung ano na ang mga sumunod na nangyari.
Basta pagkagising ko nakita ko na na kausap ni Papa yung doctor at nasa tabi ko si Brayden. Kasama pala ni Papa si Claire at nasa couch lang siya.
"Seff? Ok ka na?" tanong ni Brayden.
"Ok na ako. Salamat."
"Seff, nakwento sa akin ni Brayden ang nangyari." Sabi ni Papa.
"I think they have to talk privately. Brayden, can you be with me for a while?" sabi ni Claire sabay hatak kay Brayden.
BINABASA MO ANG
Story Of My Life
Teen FictionI'm Seff Amber. My name is quite weird diba. Birth month ko kasi is September kaya ganun. Pero karamihan, they call me Seff. I'm just a simple girl. Nagagawa ang gusto, nakukuha ang mga kailangan just like the other girls. Sadyang marami lang kasi a...