Meeting my stepsister.. I mean, Papa's real daughter wasn't good.Obvious naman ayaw niya sa akin.
Pumunta na ako ng school.
Tulad ng usual na araw. Attend ng classes. Break time. Attend ulit. Uwian.
Pero hindi ako nakaligtas sa mga tanong nina Leila kung ano ang nangyari sa amin ni Claire.
I told them everything. Parang nagalit din sila kasi raw naging judgmental naman kaagad si Claire eh hindi pa naman daw niya ako nakilala masyado.
But I told them na ok lang ako. Na magiging ok din ang lahat.
Sana lang talaga.
Since, early ang dismissal, naisipan kong pumunta sa orphanage.
"Ate Seff, ok ka na po ba?"
"Kamusta ka na Ate?"
"May masakit po ba sa inyo?"
"Ano po ba talaga ang nangyari?"
Hindi pa ako nakakabati sa kanila ni-hello eh panay na ang tanong nila.
"Hindi ba pwedeng may hug muna ako?"
Nakakatouch naman kasi halata sa kanila ang pag-aalala para sa akin.
"Ok na ako. Huwag na kayong mag-alala. Medyo napagod lang si ate kaya nahimatay. Teka, sino ang nakapagsabi sa inyo?"
"Oh. Seff, kamusta?"
Si Ate Ashley. Isa siya sa mga guardians dito sa orphanage.
"Ok na ako Ate. Sino po ang nakapagkwento sa inyo tungkol sa akin?"
"Si Hera. Sa Madison U din siya nag-aaral kaya hayun nakwento niya sa amin."
Si Hera? Teka, bakit kilala ni Ate Ashley si Hera?
"Ate paano niyo nakilala si Hera?" tanong ko.
"Ai. Sorry Seff. Sa tagal nating magkakilala eh hindi na tuloy ako nakakapagkwento tungkol sa akin. Kapatid ko si Hera."
Nagulat ako sa sinabi niya.
So, si Ate Ashley pala ang sinasabi ni Hera na Ate niya.
Kung magkapatid sila, ibig sabihin, hindi ko nga talaga kapatid Hera.
Sadyang kapangalan lang siya ng kapatid ko.
Medyo umasa ako na si Hera na nga ang kapatid ko pero hindi pala.
"Oh Hera, bakit ka napadaan dito?"
Dumating si Hera.
"Ate Seff? Ano pong ginagawa niyo dito?"
"Hera, siya yung sinasabi kong laging tumutulong dito sa orphanage." Sabi ni Ate Ashley.
"Ahh. Ikaw po pala si Ate Seff na tinawatag nila dito? Akala ko nga po kapangalan niyo lang."
Akala ko nga rin ikaw yung kapatid ko eh, kapangalan mo lang naman pala.
Hai naku. Ang sakit umasa.
"Tara Seff, kain muna tayo ng meryenda."
Kumain nga kami kasama ang mga bata. Pagkatapos, nagkwentuhan kami, naglaro at marami pa kaming ginawa.
Ang palaging huling ginagawa nila dito eh ang matulog. Palagi ko silang kinakantahan dito kasama ang gitara ko.
Nakatulog na nga silang lahat. Pati si Hera nakatulog na rin sa upuan niya.
Inaayos ko ang pagkakaupo niya at nilagyan ng unan ang ulo niya.
Hera bakit ba napapalapit talaga ang loob ko sa'yo kahit alam ko namang hindi talaga ikaw ang kapatid ko.
BINABASA MO ANG
Story Of My Life
Teen FictionI'm Seff Amber. My name is quite weird diba. Birth month ko kasi is September kaya ganun. Pero karamihan, they call me Seff. I'm just a simple girl. Nagagawa ang gusto, nakukuha ang mga kailangan just like the other girls. Sadyang marami lang kasi a...