"WHAAATTTT?? LILIGAWAN KA NI DANIEL?"
Sige. Ipagsigawan niyo pa.
"Pwede ba Sophia, Leila. Hinaan niyo naman 'yang mga boses niyo."
Mabuti na lang at wala pa halos tao dito sa cafeteria.
"So ano sasagutin mo ba siya?"
"Paano si Brayden?"
"Teka, meron pa ba kayo ni Brayden?"
Mauumpog ko na talaga ang dalawang 'to sa pader ehh.
Hinila ko sila pababa para makaupo sila at kumalma.
"Kumalma nga kayo. Sobra naman kayong kung mamroblema."
Ang Oo-A kasi eh.
"Pero Seff, umamin ka. May pag-asa ba siya sa'yo?"
Ano ba ang dapat kong isagot?
Napapikit na lang ako.
"Oi. Hindi namin sinabing matulog ka." Sabay tapik sa ulo ko.
"Hindi ko alam."
"Hindi mo alam?"
Hindi ko naman talaga alam eh. Ang hirap kaya ne'to.
"Seff, makinig ka ha. Pareho na silang umamin ng nararamdaman nila para sa'yo. Magkapatid pa 'yan ha. Alam namin na isa sa kanila ang nagpapatibok ng puso mo. Hindi naman pwede na magpaasa ka ng isa. Kaya hangga't maaga pa, magdesisyon ka na."
Hindi ko na talaga alam kung anong dapat na isipin ko.
"Pwede bang time out muna. Sumasakit na ang ulo ko sa kakaisip sa kanila."
"Osige. Magcha-change topic tayo. Ngayon na alam mo nang TUNAY ka na anak, ano nang gagawin mo?"
Grabe naman yung emphasis sa tunay.
Hai naku, isa pa pala 'yon na sakit sa ulo.
"Hindi ko rin alam. Hindi ko pa nakakausap si Papa."
"Seff, mag recap nga tayo. Ang rason kung bakit nilayuan mo si Brayden ay dahil kay Claire. At ang rason kung bakit ka natatakot kay Claire ay dahil inisip mo na wala kang karapatan dahil sa pagkakaalam mo eh ampon ka. Now Seff, alam mo na na hindi mo naman kailangan matakot kay Claire, iiwasan mo pa rin ba si Brayden?"
Wow naman. Eh parang hindi naman kasi nag change topic eh. Kay Brayden pa rin ang bagsak ng usapan namin.
Ano 'to? Beauty pageant? Q and A portion?
"Nasaan ang change topic doon? Inuulit ko, hindi ko pa alam. Bigyan niyo naman sana ako ng oras na makapag-isip. Prine-pressure niyo ako eh."
"Ok Seff pero pinapaalahanan ka namin, bilisan mong mag-isip. Tara na nga. Pasok na tayo."
Habang naglalakad kami papuntang kwarto eh parang lutang ako. Ai mali, hindi parang. Lutang talaga.
Pagkapasok namin eh nakita ko kaagad si Daniel. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Kakausapin ko ba siya o hindi?
Wag na lang. Baka kung ano pang isipin niya.
Basta, kakalma na lang ako na pupunta sa upuan ko at kung ano man ang mangyari, bahala na.
"Ui Seff. Ano pang ginagawa mo diyan?"
Huli ko na napansin na hindi ako nakaalis sa kinatatayuan ko.
Parang naka mighty bond ang mga sapatos ko sa sahig eh.
Napalingon tuloy sa akin si Daniel pero umiwas ako ng tingin at pumunta na lang ako sa tabi niya.
BINABASA MO ANG
Story Of My Life
Teen FictionI'm Seff Amber. My name is quite weird diba. Birth month ko kasi is September kaya ganun. Pero karamihan, they call me Seff. I'm just a simple girl. Nagagawa ang gusto, nakukuha ang mga kailangan just like the other girls. Sadyang marami lang kasi a...