Chapter Thirty-Two: Mother

6 0 0
                                    

Parang nakita ko si mama.

Yung nang-iwan sa akin noon.

Hindi ko alam kung ano talaga ang nararamdaman ko.

Parang sabik ako na parang galit na parang ewan.

"Seff, okay ka lang? bakit ka umiiyak?"

Napatingin tuloy sila sa akin.

"Okay lang ako. Mauna na kayong umuwi."

"Ha? Pero.. paano ka? Ok ka lang ba talaga Seff?"

"Oo. Sige na."

Nung makaalis na sila, dali-dali akong hinabol sina Hera.

"Mama?"

Napalingon silang dalawa sa akin. Siya nga. Si Mama nga.

"Ate Seff? Ikaw nga. Anong ginagawa mo dito Ate?"

Parang hindi ko narinig si Hera. Kay mama lang talaga ako nakatingin.

"Seff? Anak?"

Niyakap niya ako pero hindi ko siya niyakap pabalik.

"Ma? Bakit niyo ako iniwan?"

Yun na lang ang naging unang tanong ko sa kanya. Natatandaan ko pa rin yung mga oras na 'yon. Yung iniwan nila ako. Hindi nakasagot sa akin si Mama.

"Ha? Anak? Kilala mo si Ate Seff Mama?"

Mukhang naguluhan si Hera sa nangyayari.

Bumitaw ako sa pagkakayakap kay mama at lumapit ako kay Hera at niyakap siya ng mahigpit.

"Ate Seff? Ok ka lang po ba? Teka po."

Napahigpit siguro ang pagkakayakap ko sa kanya.

"Hera, kapatid ko." mangiyak-ngiyak kong sabi.

"Ha? Kapatid?"

Mas lalo siyang naguluhan at parang iiyak na siya.

"Anak, magpapaliwanag ako."

"Totoo po ba? Kapatid ko si Ate Seff?"

"Hindi. Hindi mo siya kapatid."

Ha? nagtaka ako sa sinabi ni mama.

"Anong hindi Ma? Siya si Hera. Siya ang kapatid ko."

Lumapit si Mama sa akin.

"Anak, huminahon ka. Sana hayaan mo akong magpaliwanag."

Hindi ko raw kapatid si Hera? Pero bakit? Teka naguguluhan ako.

Umupo muna kami at nasa ni Mama si Hera.

"Ma, anong hindi? Siya si Hera diba? Siya ang kapatid ko diba?"

"Oo Seff. Siya si Hera. Pero hindi mo siya kapatid."

Nasasaktan ako sa sinasabi ni Mama at the same naguguluhan.

"Ipapaliwanag ko sa'yo lahat lahat."

Please Ma.

"Sa pagkakaalam mo, kami ang mga magulang mo pero hindi. Yung totoo, kinupkop ka lang namin dahil sa mga oras na 'yon eh walang malapitan ang mga tunay mong mga magulang na mapag-iiwanan sa'yo. Babalikan ka naman nila eh pero dumaan ang anim na taon eh wala pa rin sila."

Teka, kinupkop lang daw ako noon? Pero yung Papa ko ngayon, kinupkop din ako. So, sino ang tunay na mga magulang ko?

"Alam kong naguguluhan ka Anak. Pero hayaan mong matapos ang sasabihin ko."

Story Of My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon