Half day ang pasok namin kasi absent yung instructor namin for the afternoon class kaya pumunta na lang kami sa mall.
Wala lang. Tingin tingin lang. Pampalipas oras.
Napansin kong tahimik sina Seff at Leila na kapanipanibago sa akin. Kasi tuwing nasa mall kami, ang parating naririnig ko sa kanila eh "Ui. I want that." "Ang cute non." "Let's buy it."
Pero anong nangyari?
Kasi, pati sina Vince at Kristoff eh parang ang seryoso ng mga mukha.
Hindi ko mapakali kaya nagsalita na ako.
"Alam niyo, it's really awkward na ganito tayo katahimik. Ano man iyang iniisip niyo, sabihin niyo na."
"KAYO NA BA?" sabay na tanong nila na ikinagulat ko.
"Nino?" tanong ko.
"NI BRAYDEN." Pati si Brayden eh nagulat din.
"Hindi ah." sagot niya.
"Bakit ba naisip niyo ang bagay na iyan?" tanong ko ulit.
"Kasi diba nung past days eh magkaaway kayo pero ngayon ok na. Sabay pa kayong naglalakad."
Grabe naman to. Bago lang naman kaming magkakilala.
Tsaka di ko naman siya type at alam kong di niya ako type.
Natatawa na lang ako s iniisip nila.
"Ano ba kayo, ok na kami. Bati na kami. Guys, ilang weeks pa lang naman tayong magkakasama at tsaka di porket magkatabi kami eh kami na agad?" Pagklaro ko sa kanila.
Sa ingay niyo ba naman, mas pipiliin talaga na ako ang makasama ni Brayden.
"Kaya wag na kayong mag isip ng kung ano pa. We're just friends."
Kumain kami, naglibot kung saan saan at syempre hindi makakalabas ng mall ang dalawang to kapag walang nabibili.
Kaya, napunta kami sa isang dress shop.
Syempre ako, tingin tingin lang kasi hindi naman ako mahilig don.
"Seff, try this one."
Hai naku, bakit ba kasi hindi pa rin sila sanay na aayaw ako lahat ng mga dress na gusto nilang ipasuot sa akin.
"Sophia, no. Alam mo namang hindi ako mahilig diyan diba?"
"Sige na kasi, kahit ngayon lang. Sukat lang naman." pamimilit ni Sophia pero ayoko talaga.
"Ano ka ba Sophia, bakit ako? Ikaw na lang or si Leila." Sabi ko sa kanya.
Parati na lang napapakamot ng ulo ang dalawang kaibigan kong to.
Natatawa na lang ako kasi kahit anong pilit pa nila, kahit sabihin pa nilang tatalon sila sa dagat at magpalamon sa mga buwaya, walang tatalab.
Kasi, alam kong hindi nila magagawa iyon.
Maya-maya, naramdaman kong may kumuha sa bag ko.
"Brayden, bakit? Akin na iyan." Sabi ko at sinubukang kunin sa kanya.
"Pagbigyan mo na sina Sophia." He's talking about the dress.
"Pinakiusapan ka nila no?" tanong ko.
"Hindi ah." sagot niya.
"Eh bakit mo nga gustong ipasuot sakin yung dress na iyon?" tanong ko ulit.
"Sa tingin ko kasi, bagay iyon sa'yo at mas lalo kang gaganda kapag suot mo iyon."
Hindi ko alam kung bakit ako natahimik sa sinabi niya.
Hindi ako kinilig noh. Walang ganun.
"Sige na kasi. Susukatin mo lang naman eh." Seryoso yung itsura niya nung sinabi niya yun sabay tulak ng mahina sa akin.
BINABASA MO ANG
Story Of My Life
Novela JuvenilI'm Seff Amber. My name is quite weird diba. Birth month ko kasi is September kaya ganun. Pero karamihan, they call me Seff. I'm just a simple girl. Nagagawa ang gusto, nakukuha ang mga kailangan just like the other girls. Sadyang marami lang kasi a...