"Lunch muna tayo." pagyaya ni Daniel nang makabalik na siya galeng sa meeting. Tumayo na rin agad ako kasi gutom na gutom na rin ako. Pumunta na kami sa canteen at balak ko na sanang pumila pero pinigilan niya ako.
"Ako na mag oorder, hanap ka na lang ng mauupuan natin." offer niya.
"Eh hindi mo naman alam kung anong gusto ko eh." pagpigil ko rin sa kanya.
"Alam ko kung anong gusto mo, ako." banat niya sabay kindat sa akin. Siraulo talaga. Hinayaan ko na lang siya at baka bumanat pa ulit. Bahala na kung ano ang mabibili niya basta yung mabubusog ako.
Nakahanap na ako ng mauupuan namin at after mga 10 minutes eh dumating na rin si Daniel dala dala ang pagkain namin. Ang bango ng mga dala niya kasi bagong luto talaga.
"Takam na takam?" mahilig din mambasag talaga tong si Daniel. Paglapag ng pagkain ni Daniel, magsisimula na sana akong kumain. Pero umalis ulit siya. Nagulat ako kasi bumalik siya na may dala na namang isang tray.
"Bat andami mong inorder?" Lumaki talaga ang dalawang mata ko.
"Para maraming choices. Mauubos natin to. Kailangan natin ng energy para sa pagreview."
Napakamot na lang ako ng ulo. Pero kumain na lang ako kasi gutom na gutom na talaga ako at sa hindi inaasahan, naparami ang kain namin.
"Wow ha. Gulat na gulat kanina pero naparami naman ng kain." asar niya sa akin pero tumawa lang ako.
After ilang minutes, bumalik na kami sa room. Naiwan lang sa desk ang mga reviewers namin at pagbukas ko eh may chocolate bar. Nakita rin yun ni Daniel. At sino naman kaya ang magbibigay neto sakin?
"Mukhang may secret admirer ako ah." di ko alam bakit ko nasabi yun pero natawa lang ako. Habang tinititigan ko ang chocolate bar eh bigla na lang hinablot ni Daniel.
"Di ka pwedeng magkasecret admirer." Luh. Bat naman bigla biglang nagagalit.
"Bakit naman at pakialam mo ba, akin na nga yan." Pilit kong kinuha sa kamay niya pero di ko maabot.
"Di nga pwede." Napakaseryoso naman ng isang to. Eh ano naman kung may secret admirer ako, masama ba? Pwera na lang kung,
"Selos ka?" asar ko sa kanya at mas naging seryoso ang tingin niya sa akin.
"Hindi pwede kasi madidistract ka. Kailangan nating mag focus."
Tinitigan ko lang siya na parang di ako naniwala sa rason niya. Nilagay niya yung chocolate sa bag niya. Napalakas ng trip. Pero hinayaan ko na lang. Kukunin ko na lang sa kanya after review.
Nagreview na rin kami at sobra akong napagod. Parang sasabog ulo ko. Halata na rin ang pagod ni Daniel kasi nakatulog siya. Tinitigan ko mukha niya. Gwapo rin palang isang 'to noh. Dati kasi humanga lang ako sa kanya kasi matalino siya. Kaya nga inaasar siya sa akin nina Sophia eh.
Na in love daw ako sa kanya. Di ba pwedeng humanga lang? In love agad?
Nagulat ako nang biglang nagising siya at nahuli niya akong nakatitig sa kanya kaya iniwas ko agad tingin ko at nagkunwaring nag aayos na ng gamit ko.
"Sabihin mo lang kung na iin love ka na sakin. Handa naman akong ligawan ka eh." sabay akbay sa akin pero tinapik ko ang kamay niya.
"Nakatingin ako sa'yo kasi gusto na kitang gisingin para umuwi pero nag aalinlangan lang ako." yun na lang ang naisip kong rason.
Ngumiti lang siya at inayos niya na rin ang mga gamit niya. After nun, umalis na rin kami ng room.
"Bye Partner, ingat sa pag uwi." kindatan pa ba naman ako. Parang siraulo talaga. Tinitigan ko lang siya ng masama hanggang sa makaalis na.
BINABASA MO ANG
Story Of My Life
Teen FictionI'm Seff Amber. My name is quite weird diba. Birth month ko kasi is September kaya ganun. Pero karamihan, they call me Seff. I'm just a simple girl. Nagagawa ang gusto, nakukuha ang mga kailangan just like the other girls. Sadyang marami lang kasi a...