"Brayden is my brother."
Nagulat ako sa sinabi ni Daniel pero tinawanan ko lang siya. Napaka imposible naman siguro nun.
"Wag ka ngang magpatawa." sabi ko habang seryoso pa rin ang tingin niya sa akin.
"Hindi ako nagbibiro Seff. Brayden is also my half brother." Huminga ako ng malalim. Mukhang totoo nga ang sinasabi ni Daniel. Nag alala ako bigla kasi baka sabihin niya kay Brayden na may gusto ako sa kanya.
"Wag kang mag alala Seff. Hindi ko sasabihin kay Brayden na may gusto ka sa kanya." sabi niya ng mahina.
"Ako na ang magkwekwento ha." tumango lang ako kasi di pa rin ako makapaniwala sa sinabi niya.
"Brayden and I was in Grade 5 that time. Our mom was on her way para sunduin siya sa school. Magkaiba kasi kami ng school nun. Sa hindi inaasahan, nasama si Mommy sa isang car accident. She was sent in the hospital but she didn't survive. At simula sa araw na 'yon, si Brayden na ang sinisisi ni Ate sa pagkawala ni Mommy. Kapag nakikita niya si Brayden, naiinis talaga siya kaya she decided na pumunta sa ibang bansa."
Tahimik lang ako at nagpatuloy si Daniel sa pagkwekwento.
"At isa pa sa mga kinakagalit ni Ate eh dahil Brayden's Mom had an affair with our Dad habang nasa tiyan pa ako ni Mommy. Yun pala nabuntis din ni Daddy ang Mom ni Brayden. Kaya halos magka age lang kami." tumigil sandali si Daniel.
"Okay lang ba sayo na kinikwento mo sa akin ang about sa family niyo? Baka masyado nang personal. Baka masyado na akong nanghihimasok." ako tong curious pero nahiya din.
"Okay lang yun Seff, alam kong mapagkakatiwalaan kita." at ngumiti siya sa akin.
"Pero bakit okay naman kayo ni Brayden? I mean, hindi ka rin ba galit sa kanya?" tanong ko sa kanya.
"Nung 7 years old kami, kinuha ni Daddy si Brayden sa Mom niya. That time, masaya ako kasi may kasama na ako. Wala akong idea about sa affair ni Dad. Napakabait ng Mommy ko at tinanggap niya si Brayden na parang tunay na anak. Okay na okay ang samahan namin nun ni Brayden." napansin kong huminga ng malalim si Daniel.
"12 years old kami nung maaksidente si Mommy at dun lang ako nalinawan. Dun ko lang naintindihan na Brayden's Mom was my Dad's mistress." at bigla siyang naiyak. Mabuti na lang at nasa sulok kami nakaupo at wala nang masyadong tao.
"Pero before Mom died, nung sa hospital pa kami, sinabihan niya ako na ituring kong tunay na kapatid si Brayden dahil wala siyang kasalanan sa affair ni Daddy at ng Mom niya. So, hayun, nangako ako kay Mommy na susundin ko ang sinabi niya. At naging malaking part na rin si Brayden sa buhay ko, kaya never ako sa kanya nagalit."
Pinatahan ko muna si Daniel. Hindi ko alam kung anong pwede kong gawin.
"Hindi nga lang kami masyadong nag uusap sa school pero sobrang okay kami sa bahay. Hindi naman kasi halata kasi mag kaiba naman kami ng apelyido." naging kalmado na rin siya sa wakas.
"Sorry Daniel ha. Pinaiyak tuloy kita." sabi ko na may dalang hiya.
"Ayos lang. Basta wag mo lang ipagkalat kung gaano kapanget pag umiyak ha. Ayokong masira ang napagwapong image ko." natawa na lang ako sa sinabi niya. Bumalik ulit ang tunay na ugali niya hahaha.
"Basta, wag mo rin ipagkalat na may gusto ako kay Brayden." at tumango lang siya. Walang hiya talaga, medyo dun ako nag alinlangan sa expression niya.
"Tara na nga. 15 minutes na lang, may pasok pa tayo." at umalis na kami sa karinderya at bumalik ng room. Nandun na agad sina Sophia sa room at tinitigan ba naman ako ng pang asar. Iniisip talaga nila na may something sa amin ni Daniel.
BINABASA MO ANG
Story Of My Life
Novela JuvenilI'm Seff Amber. My name is quite weird diba. Birth month ko kasi is September kaya ganun. Pero karamihan, they call me Seff. I'm just a simple girl. Nagagawa ang gusto, nakukuha ang mga kailangan just like the other girls. Sadyang marami lang kasi a...