Chapter Thirty-Three: All of a Sudden

5 0 0
                                    

Daniel?

"Bat ka nagpapaulan? Alam mo namang bawal sa'yo diba?"

Ha? Paano niya nalaman?

"Paano mo naman nalaman?"

"Mama mo?"

Aba. Change topic.

"Oo. Bakit ka nga pala nandito?" tanong ko sa kanya.

"Binisita ko rin si Mama eh."

Ai oo nga pala noh. Wala na rin silang Mama.

"Uhmm. Ganun ba." Wala na talaga akong masagot.

Maya-maya, napansin ko na lang na naghubad siya.

Ng jacket niya.

Tapos, sinuot niya sa akin.

"Ui. Anong ginagawa mo?" pagsita ko.

"Hindi naman halatang nilalamig ka na noh?"

Napansin niya siguro na nanginginig na ako at hinawakan ko na ang magkabilang balikat ko.

Tapos, may inabot pa siyang hot pack na hindi ko naman tinanggihan.

"Salamat Daniel." Ba't parang ang sweet niya?

Tahimik lang kami. Ang awkward tuloy.

"Seff?"

"Daniel?"

Ai hala. Nagsabay pa talaga kami.

"Bakit?"

"Bakit?"

Naku naman. Nagsabay pa ulit.

Ba't ang sobrang awkward?

"Mauna ka na, Daniel."

"Uhmmm."

Ano naman kaya ang sasabihin niya?

"Pwede ba kitang ligawan?"

What? Tama ang narinig ko? Liligawan niya ako?

Teka, baka nabingi lang ako.

"Ha?"

"Kailan ka pa nabingi Seff? Ang sabi ko, pwede ba kitang ligawan?"

Ai hala. Tama nga ang narinig ko.

Ano naman kaya pumasok sa isip ng isang 'to?

"Oh ano na? akala ko matalino ka? Ang dali-dali ng tanong eh. Oo o hindi?"

Wow ha. Madali ba 'yon? Eh binigla niya ako eh?

"Ano.. kasi.. ano bang pumasok sa isip mo at natanong mo 'yan ha?"

"Kasi, mahal kita."

Ai hala. Sobrang lamig dito parang nag-iinit na ang mukha ko.

"Daniel, wala akong oras para makipaglokohan sa'yo kaya..."

"Hindi ako nakikipaglokohan sa'yo. Syempre, idederetso ko na. May pag-asa ba ako sa'yo o wala?"

Ang bilis naman yata. Ai este hindi yata, mabilis talaga.

Tahimik lang ako. Hindi ko alam kung ano ang sasagutin ko.

"Osige. Kung hindi ka makakasagot ngayon, I will give you time."

"Ok."

Yun lang talaga ang nasagot ko. Hindi pa rin mag sink in sa isip ko yung sinabi niya.

"Oh ikaw naman. Anong sasabihin mo?"

"Ha?"

Hala. Ba't hindi ako makapagsalita? Kainis naman oh.

"Nabingi ka na naman ba? Ang sabi ko, ano ang sasabihin mo sa akin?"

"Ahh. Mangangamusta lang naman sana ako."

Palusot pa more.

"Hmp. Sinungaling."

Aba. Nabasa na naman ba niya yung iniisip ko?

"Ako nga ba ang kakamustahin mo... o si Brayden?"

Patay. Nahuli na.

"Hindi naman ako nagagalit eh. Alam kong mahal mo si Brayden at alam ko rin na mahal .... Alam kong mahirap sa'yo ang magdesisyon. Hindi kita pinipilit. Ang sa akin lang, nasabi ko sa'yo ang nararamdaman ko."

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"Tara na nga. Nilalamig ka na eh."

Inalalayan niya akong tumayo. May dala siyang kotse kaya hinatid niya ako pauwi.

Tahimik lang kami sa loob ng kotse niya. Ang awkward tuloy.

Hinatid npa niya ako hanggang sa pinto namin.

"Pasok ka na. Magpahinga ka na."

Bago siya umalis eh may inabot siya sa akin na plastic bag at pagbukas ko eh sobrang daming hot packs.

Medyo malayo na si Daniel pero sinubukan ko pa rin na tawagin siya.

Lumingon siya sa akin.

"Salamat."

Nagthumbs up lang siya at pumasok na sa kotse niya.

Pilit kong pinapasok sa isip ko kung totoo ba talaga 'tong nangyayari.

Peroo oo eh. Totoo talaga.

Pabigla bigla naman kasi si Daniel eh.

Nung sinabi niya 'yon, may isang tao lang na pumasok sa isip ko.





Story Of My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon