Chapter Eleven

12 0 0
                                    


Natapos na ang klase at sa wakas makakauwi na ako. May trabaho pa ako eh. Nakapagpaalam na rin ako kina Sophia. Sa harap na pinto ako dumaan palabas kasi pupunta pa ako ng faculty room para kunin kay Maam yung reviewer.

"Seff" may tumawag sa akin sa likod kaya napalingon ako, si Brayden pala.

"Uwi ka na?"

"Hindi pa. May trabaho ako ngayon. Bakit?"

Umiling lang siya tapos nagbabye at umalis na. Ang weird naman nun. Akala ko sasabay siya ulit. Pumunta na akong faculty room then dumiretso na sa parking lot at umalis.

Pagkalabas ko ng gate eh napansin ko yung kotse namin tapos nandun si Claire sa loob. Sinenyasan niya ako na lumapit dun.

"Si Brayden?"

Tagahanap na ba ako ngayon ng mga tao.

"Di ko alam. Nauna na siyang lumabas eh. Baka nakauwi na."

"Ah okay. Akala ko kasama mo siya. Baka linandi mo si Brayden ha?"

Wow. landi is the term. Medyo na offend ako sa sinabi niya pero pinigilan ko ang sarili ko. So tama nga ang hinala ko, may gusto nga siya kay Brayden. Napaka possessive naman agad. Magkatabi naman sila buong klase.

Hindi na ako nakasagot at umalis na rin si Claire. Bigla tuloy akong napaisip. Kailangan ko bang iwasan si Brayden? Gusto ko rin naman kasi makaiwas sa gulo eh. Pero bakit ko naman siya iiwasan eh wala naman ang ginagawang masama. Ay ewan.

Nakakastress. Di na ako mag iisip ng kung ano ano. Tumawag na lang ako kay papa para sabihing may duty ako.

At umalis na nga ako.

Pagkarating ko sa sweet shop eh nahalata siguro ni Ate Eunji na may dinaramdam ako.

"Seff, are you okay?" tanong niya.

"Ok lang po ako."

"Hai naku. Bakit ang hilig mong magsabi ng "Ok lang ako" kahit hindi naman. Usap tayo mamaya ha."

I knew it. Halata ba talaga?

Nagtrabaho muna kami ni Ate Eunji. Medyo marami-rami ang customers. Habang naglilinis ako ng table eh nakita kong papunta sina Sophia at Leila.

At ang ikinagulat ko pa eh kasama nila si Brayden.

Anong meron?

Dali-dali akong pumunta kay Ate Eunji at nagtago sa likod niya.

"Ate, pakisabi sa kanila na nakauwi na ako ha. Please, Ate."

"Good eve po. Si Seff po ba nandito?"

Kapit na kapit ako sa apron ni Ate Eunji. Sana hindi niya ako ibuking.

"Ha? Eh. Nakauwi na siya eh."

Hai salamat.

"Nakauwi na siya? Wala pang 8:00 ah. Bakit po ang aga niya umuwi?" tanong ni Leila.

"Ah eh. Medyo konti lang naman ang customers ngayon kaya pinauwi ko na siya. Kaya ko naman dito eh." Palusot ni Ate Eunji.

"Ah ganun po ba? Sige po. Uhmm. Paorder na lang po kami ng tatlong Creamy Vanilla Milkshake at tatlo rin pong Blueberry Cookies."

Habang gumagawa si Ate Eunji eh nasa ibaba lang ako nakatago.

"Creamy Vanilla Milkshakes and Blueberry Cookies."

"Thank you po, Ate." Si Sophia yun.

"Uhmm. Guys, dito muna kayo ha. Punta muna ako sa likod. May aayusin lang ako. Kung may mga kailangan kayo eh tawagin niyo lang ako."

Story Of My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon