Chapter Twelve

13 0 0
                                    

"Uyy Seff ikaw naman gumastos sa meryenda natin bukas ha. Dami mong pinabili, napakatakaw mo talaga." sumbat sa akin ni Daniel.

"Maka matakaw naman to. Hiyang hiya naman ako sa dalawang burgers mo. Oo na, ako na bibili bukas. Umalis ka na."

Bago siya umalis eh kinindatan pa ko. Siraulo talaga. Pero inirapan ko lang siya.

Papatayo na rin ako pero pinigilan ako nina Sophia at Leila at parang may ichichika na naman ang dalawang 'to kaya naiwan kaming tatlo sa kwarto.

Napansin siguro ni Brayden na nilapitan ako nina Sophia kaya tumingin lang siya sa akin at tumango at sumenyas na lalabas na siya kaya tumango rin ako sa kanya.

"Ganito kasi yan girl,"

Sabi na nga ba eh may tsismis na naman.

"Kasama namin kanina si Claire. Base sa mga sinabi mo nun nung paano ka niya i judge eh parang di namin yun naramdaman sa kanya. Para lang siyang normal na estudyante. Hindi pa naman siya masyadong nagkwe kwento pero nakihalubilo naman siya sa amin."

So, sa akin lang pala siya nag tataray? Hindi na ako nakasagot at tumango lang ako.

"Pero wag mong isipin na hindi kami naniniwala sa sinabi mo ha. Nagtaka lang talaga kami kanina syempre expect namin eh mag tataray siya tsaka di makikipag usap sa 'min. Sinama kasi siya ni Brayden dun sa table namin." dugtong ni Leila.

"Ah ganun ba? okay lang 'yon at least may bago na siyang friends ngayon." matipid kong sabi sa kanila.

Ayoko namang siraan si Claire. Malay ko ba kung sa akin lang talaga siya nagtataray. Siguro mabait naman siya except nga lang sa 'kin.

"Yun lang naman Seff. Wag kang magtatampo sa amin ha. Wala rin naman kaming nagawa kanina kasi kasama siya ni Brayden. Nakakahiya naman kasing pagtabuyan siya." sabi ni Sophia.

"Ano ba kayo, okay lang yun. Di naman big deal sa kin. Tara na uwi na tayo. Medyo pagod na rin kasi ako."

Inakbayan ko silang dalawa habang papalabas ng kwarto. Naghiwalay na kami ng daan kasi pupunta akong parking lot habang yung dalawa eh dumiretso palabas ng gate. Medyo malayo pa ako pero natanaw ko si Brayden na nakaupo sa motor ko.

Napatigil ako sa paglalakad at nakatitig lang ako sa kanya. Mukhang napansin niya rin akong nakatayo lang.

"ANG TAGAL MO." nagulat ako sa sigaw niya. Nagpatuloy na rin ako sa paglapit sa kanya pero tinitigan ko lang siya. Hindi talaga ako muna nagsalita kasi nagtaka talaga ako.

"Gwapong gwapo ka na sa 'kin? Makatitig ka naman diyan baka matunaw na ako." biglang hirit niya.

"Ay ewan ko sayo. Napaka feeling. Alis na diyan, uuwi na ako." tinulak ko siya papalayo sa motor ko at sumakay na ako.

"Pagkatapos kitang hintayin dito, iiwan mo lang ako?"

Hinintay niya ako? At ano namang rason niya?

"Sino ba kasi nagsabing hintayin mo ako? akala ko naman kasi yung pagsenyas mo kanina eh diretso ka nang uuwi." sumbat ko sa kanya.

Kinuha niya yung lumang helmet ko tapos sinuot. Walang hiya talaga. Nakalimutan ko kasing iwan sa bahay yung lumang helmet ko.

"Ako na."

Hinawakan niya yung manubela kaya nahawakan niya rin kamay ko. Medyo hinigpit niya yung pagkakahawak kaya inalis ko agad ang kamay ko at pinalo ang kamay niya.

"Sige na, binilhan naman kita ng bagong helmet eh." Hindi naman ako nagdemand ng bagong helmet eh. Akala ko ba kusa niyang binigay to.

"Hindi naman ako na inform na kailangan kong magkaroon ng utang na loob sa 'yo noh. Ibabalik ko na lang 'to sayo. Tutal mayaman ka naman, bili ka na lang ng motor." Aalisin ko na sana yung helmet sa suot ko pero pinigilan niya ako.

Story Of My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon