Kakarating ko lang sa school at nakita ako ni Seff. Baka galing siya sa parking lot at papunta na rin siguro ng room namin."Brayden!" tawag niya sa akin sabay kaway.
"Oh Seff? okay ka na?" tanong ko.
"Oo. okay na. yung bike mo?"
"Ahh. Wala eh." sagot ko sa kanya.
Binalikan ko yung bike ko ng gabing yon pero wala na nung makarating ako dun. Napag interesan sigurong kunin.
Bigla siyang napatahimik at parang nalungkot.
"Wag kang mag-alala Seff. Okay lang namang mag commute." sabi ko sa kanya.
Hindi pa rin siya nagsalita.
"Uy. okay lang." Sabi ko sabay ngiti.
"Tara na. Pasok na tayo." Yaya niya.
Hindi ko alam kung bakit ako napaakbay sa kanya.
"Teka. Brayden? Anong ginagawa mo?" tanong niya.
"Wala. Tara na kasi." Sagot ko habang nakaakbay pa rin sa kanya.
"Anong wala? Bakit ka nakaakbay sa akin?"
Sabay tingin sa akin ng masama.
"Baka kasi magcollapse ka ulit. Mas mabuti na yung siguradong may sasalo sa'yo." Biro ko sa kanya.
"Aalisin mo iyan o masasaktan ka ulit?" paghahamon ulit niya sa akin.
Hai naku bakit ba kasi mahilig sa ganito si Seff.
"Eh paano kung ayoko? Tara na kasi." Hatak ko sa kanya at nakaakbay pa rin.
Bigla na lang niya siniko ang tiyan ko kaya natanggal na ang kamay ko sa pagkakaakbay sa kanya.
Sobrang sakit ng pagkakasiko niya.
Sabay iwan sa akin.
"Oi. Seff. Hintayin mo naman ako." Sabi habang hinahawakan ang tiyan ko.
"Bahala ka sa buhay mo."
Tumakbo ako para mahabol siya. Kaya nagkasabay ulit kami sa paglalakad papuntang room.
"Ang sakit nun ha."
"Hanap mo 'yan eh." Sumbat niya sa akin.
"Alam mo Seff ang weird mo. Kanina malungkot ka at parang nakokosensya dahil sa bike ko pero ngayon may gana ka pang saktan ako."
Natahimik siya ulit.
"Oyy. sabing okay lang kasi. Bibili na lang akong bago."
Tiningnan niya ako ng masama.
"Oh bakit? Grabe ka naman kung makatingin sa 'kin."
"Wag ka munang bumili ng bike. Ako na lang ang bibili. Nawalan ka ng bike dahil sakin kaya kailangan kong palitan yun."
Pinilit ko siya na wag nang isipin yon.
"Wag na Seff. Mapili ako sa bike. Baka masayang lang pera mo at di ko magustuhan ang mabibili mo sakin."
Biro ko lang yun na mapili ako sa bike. Sinabi ko lang 'yon para di siya makabili.
"Choosy ka pa." sabi niya sabay tingin ng masama sakin pero ngumiti rin.
Nakarating na kami ng room at umupo sa desk namin.
Nang makaupo na kami eh inaasar ko na naman siya.
Tinapik ko ang likod niya ng ballpen ko kaya napalingon siya sa kin.
"Aray. Ano bang problema mo ha?"
BINABASA MO ANG
Story Of My Life
Teen FictionI'm Seff Amber. My name is quite weird diba. Birth month ko kasi is September kaya ganun. Pero karamihan, they call me Seff. I'm just a simple girl. Nagagawa ang gusto, nakukuha ang mga kailangan just like the other girls. Sadyang marami lang kasi a...