Dumaan ang mga araw, usual araw pa rin naman. Pero kapag break time eh hindi na ako nakakasama sa kanila kasi kailangan mag review.Napansin kong nag uusap naman si Brayden at Claire. May times nga pumupunta sila sa canteen ng sila lang dalawa.
Mabuti naman yun at may kasama si Claire.
"Selos ka?" biglang sabi ni Daniel.
Ha? ano naman pumasok sa isip ng lalaking 'to.
"Ha? Anong trip mo?"
"Kanina ka pa tingin ng tingin sa likod. Nagseselos ka sa dalawa noh?" asar niya sa akin.
"Siraulo, tiningnan ko lang yung upuan ko. Nakakamiss lang umupo malapit sa bitana." sagot ko sa kanya.
"Baka naman iba na mi miss mo?"
Patuloy pa rin siya sa pang aasar. Pero di ko na siya pinansin.
Napansin kong wala pang ibang friends si Claire. Si Brayden lang kasi nakakausap niya dito. Di ko lang alam kung may ibang friends siya na di namin classmates.
Nung pauwi na kami, sa likod ako dumaan para maka babye kina Leila at nadaan ko rin ang desk nina Brayden.
"Seff, punta ka nang parking lot?" tanong ni Brayden.
"Oo, bakit?"
"Wala naman sabay na ako sa'yo."
Nagtaka ako kasi ang alam ko eh wala pa siyang bike.
"May bike ka na ba?" tanong ko.
"Wala pa. Sabay lang akong lumabas."
Napansin ko si Claire na papatayo.
"Ikaw Claire?" tanong ko ng mahinahon.
"Nagpasundo na ako." mataray niyang sagot sa akin at nauna na siyang lumabas sa amin.
Lumabas na rin kami ni Brayden at naglakad papuntang parking lot.
"Okay ka lang?"
Medyo tahimik kasi ako kaya siguro napatanong si Brayden.
"Oo naman." sagot ko sa kanya ng nakangiti.
"Hindi ko alam kung ano meron sa inyo ha, pero bakit parang tinarayan ka ni Claire?"
Natahimik lang ulit ako.
"Okay lang naman kung di mo sagutin. Sorry sa pakikialam." dugtong niya.
Pero sumagot ako kay Brayden.
"Actually, di ko rin alam. Siguro dahil ayaw niyang may kaagaw kay Papa. Tsaka iniisip niya kasi na si Papa ang gumagastos para sa kin well in fact, pinag tatrabahuhan ko naman ang pera ko. Binibigyan din naman ako ni Papa kahit papaano pero tinitipid ko pa rin yun."
Hindi ko alam kung cinocomfort ako ni Brayden or gusto niya lang akong tsansingan.
Charot. Napaka assuming ko naman.
Inakbayan niya kasi ako sabay tapik at sinabing,
"Hayaan mo na lang siya Seff."
Pero hinayaan ko na lang yung pag akbay niya sa akin kasi inalis na rin naman niya kaagad.
"Paano yan, wala ka pang bike? tsaka bakit ka nga pala sumama sa kin dito? sabi mo sabay ka lang lalabas."
"Hindi ko nga rin alam eh." sabay kamot sa ulo niya.
At natawa kaming dalawa.
Siraulo talaga.
"Kung pwede lang sana kitang iangkas" sabi ko habang pinapagpag ko ang upuan ng motor.
BINABASA MO ANG
Story Of My Life
TeenfikceI'm Seff Amber. My name is quite weird diba. Birth month ko kasi is September kaya ganun. Pero karamihan, they call me Seff. I'm just a simple girl. Nagagawa ang gusto, nakukuha ang mga kailangan just like the other girls. Sadyang marami lang kasi a...