The next day, Saturday. Walang pasok sa school pero may pasok ako sa shop.
Hindi pa ako sigurado kung pupunta talaga ako pero nagready na lang ako incase na matutuloy ako.
Nakita ko si Papa na papaalis na.
"Amber, don't tell me na pupunta ka sa shop."
Napansin pala ni Papa yung uniform na nakahang.
"Anak, hindi pa talaga kita mapapakiusapan? Ako na ang bahala para sa atin. Ako na ang bahala para sa orphanage. You don't have to worry. I'll always support you in everything na gusto mong gawin. Ayokong makita kang napapagod. Nag-aaral ka tapos magtatrabaho? Kailangan mo ng pahinga.
Oo, alam ko na masusuportahan ako ni Papa pero ayokong iasa sa kanya lahat. Gusto kong makabawi sa mga ginawa nila ni Mama para sa akin.
"Pa, pwede bang pumunta ako sa shop ngayon. Kakausapin ko lang ang manager ng shop."
"Sige anak. Ingat at umuwi ka kaagad after."
"Ok pa. Ingat din po kayo."
Bago umalis si Papa eh tinupi muna niya yung uniform ko. Hinanda ko na yung bike since nasa school pa yung motor ko.
Umalis na nga ako ng bahay. Habang nasa daan ako eh napansin ko si Brayden.
At may kasama siyang babae. Nakikita kong parang nag-aaway sila. Tinutulak-tulak kasi nung babae si Brayden eh.
Naisip ko na baka girlfriend niya iyon.
Bihira akong makakita ng nag aaway na couple sa public.
Dumiretso na lang ako sa pag ba bike.
After ilang minutes, nakarating din ako sa shop.
"Annyeonghaseyo. Welcome to.... Amber?"
"Annyeonghaseyo, eonnie."
It means "Hello, Ate."
My manager is my friend kaya close kami sa isa't isa. Her name is Eunji. She's Half Korean and Half Filipina.
"Amber? I heard what happened. Nakwento sakin nina Sofia." tanong niya sabay kunot ng noo niya.
I'm always open kay Ate Eunji. Lahat ng mga nangyayari sa akin alam niya. Siya lang yung nakakaalam ng lahat tungkol sa akin. I met her nung kina Papa na ako. Magkatapat lang yung bahay nila at nung bahay nina Papa.
She was really friendly at siya pa ang unang nag approach sa akin.
Nung nalaman niya na kinupkop lang ako, wala lang sa kanya. Wala naman nagbago at nagpapasalamat ako sa kanya ng marami. Sa kanya ko unang naramdaman ang magkaroon ng tunay na kaibigan at sabi niya ganun din raw siya sa akin.
Pinaghanda ako ni Ate ng milk tea at pinakwento niya sa akin ang lahat ng nangyari.
"Amber. I already told you na you have to rest. Starting today, I will not allow you to work here."
"Eonnie, no please. I have to work. I have to earn money." Pilit ko sa kanya.
"But Amber you're going home late at night at nag-aaral ka pa. Puyat ang aabutin mo. Imbes na magpahinga ka from school eh magtatrabaho ka pa. Those reasons could make me stop you to work here."
Napayuko na lang ako. Ayoko talagang tumigil na magtrabaho. Gusto ko rin na yung pinanggagastos ko eh galing sa pinaghirapan ko.
Alam ko naman na hindi ko mapipilit si Ate Eunji kaya hindi na ako nagsalita.
"Amber. Kung gusto mo talagang magtrabaho dito I will give a chance."
Napangiti ako sa sinabi ni Ate. Sabi na eh, di ako matitiis ni Ate.
BINABASA MO ANG
Story Of My Life
Teen FictionI'm Seff Amber. My name is quite weird diba. Birth month ko kasi is September kaya ganun. Pero karamihan, they call me Seff. I'm just a simple girl. Nagagawa ang gusto, nakukuha ang mga kailangan just like the other girls. Sadyang marami lang kasi a...