Chapter Fifteen

19 0 0
                                    

"Si  Kuya Pogi." sigaw ng mga bata sabay takbo papunta kay Daniel. Yinakap din siya ng mga bata at yinakap niya sila pabalik.

"Kuya, ang tagal niyo po bago nakabalik. Namiss ko na po yung jamming natin. Kanta na po ulit tayo." hinatak na talaga nila si Daniel sa loob. Lumingon muna sa akin si Daniel pero sinenyasan ko na lang siya na sumunod na sa mga bata. Tapos, linapitan ako ni Ate Ashley.

"Buti nakadalawa ulit dito si Daniel. Mukhang na miss siya ng mga bata."

"Oo nga Ate eh. Kakatapos lang kasi naming magreview, tapos sinama ko siya dito.

"Kayo lang dalawa ang nagreview?" hindi ko pa pala nakwento kay Ate Ashley yung about sa competition na sasalihan namin. Natuwa si Ate Ashley kasi nabanggit ko sa kanya na willing si Daniel na ibigay yung part niya sa mapapanalunan namin para sa orphanage. Pero habang kausap ko si Ate Ashley eh parang matamlay siya.

"Ate okay ka lang ba?" pag aalala ko sa kanya.

"Okay lang ako Seff. Medyo pagod lang. Pahinga lang naman kailangan ko. Samahan mo na sila dun." tumango ako kay Ate Ashley at pinuntahan ko na sila sa kwarto. Hindi pa ako nakakarating dun eh naririnig ko na ang kantahan ng mga bata sabay ang pag gitara ni Daniel.

Hindi lang matalino si Daniel. Musically inclined din siya. Enjoy na enjoy ang mga bata kasama siya. Sinama ko si Daniel last last year dito nung time din na nagkasama kami sa competition. Once lang yun pero napalapit na siya sa mga bata at ngayon lang naulit. 

"Ate Seff, sama ka sa amin. Tabi ka kay Kuya Pogi."

Hinatak nila ako papunta sa tabi ni Daniel. Hindi na ako tumanggi pero bigla akong nahiya kasi yung titig ni Daniel.

"Na inlove ka na sa boses ko?" hayan na naman siya sa mga hirit niya narinig tuloy ng mga bata at naghiyawan sila. 

"Mga bata, mag kaibigan lang kami okay." paglinaw ko sa kanila. pero mas lumapit sa akin si Daniel at tinitigan ako ng mas malapitan. Tapos bigla siyang kumanta.

"Alam mo ba ang ganda mo pala, pag tumawa ang 'yong mata..."

Patuloy lang siya pag titig sa akin habang kumakanta at hindi ko alam kung namumula ba ako. Sana wag naman.

Pagdating ng chorus, sinabayan siya ng mga bata. Nagulat ako dahil alam nila yung kinakanta ni Daniel, may kasama pang pagtaas ng kamay.

"Di ko alam hanggang kailan tayo, di ko mabago ang ikot ng mundo..."

Sa sobrang hiya ko eh pumalak palakpak na lang ako. Patapos na yung kanta, napatitig ako kay Daniel. Nagkatinginan talaga kaming dalawa at napahiyaw ulit ang mga bata.

Tinawag na kami ni Ate Ashley para makapagmeryenda. Pinauna na naming makalabas ang mga bata habang kami ni Daniel eh nag ayos muna kami.

"Napakilig na ba kita?" biglang tanong niya habang ako naiilang pa rin. Hindi ko na pinansin at nagpatuloy sa pag aayos. Yinaya ko na lang siya para lumabas pero hinawakan niya ang kamay ko.

"Seff" bigla siyang napatigil.

"Wala naman. Tara na. gutom na ako." ang weird lang. Biglang seryoso tapos mag iiba na naman. Lumabas na kami ng kwarto habang hawak niya pa rin ang kamay ko. At nakita yun ni Ate Ashley kaya inalis ko agad ang pagkakahawak sa akin ni Daniel.

Lumipas ang ilang oras, medyo madilim na rin kaya naisipan na namin ni Daniel na umuwi. Pagkalabas namin ng gate eh nagpasalamat sa akin si Daniel.

"Sana makapunta ako dito ulit." sabi sa akin ni Daniel.

"Pwede ka naman makapunta dito anytime kahit ikaw lang mag isa." offer ko sa kanya.

"Pero mas masaya pag kasama ka." sabay titig na naman sa akin ng malapitan pero sinampal ko siya ng mahina lang naman.

Story Of My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon