Chapter Eighteen

16 0 0
                                    

Araw na ng competition. Medyo kinakabahan pero kaya naman. Basta iispin ko lang si Papa at yung mga bata kasi para sa kanila to.

Nasa backstage na ang lahat ng mga competitors. 10 minutes na lang at tatawagin na kami para makapunta sa stage. Hinihimas himas ko ang kamay ko para mawala ang kaba ko nang bigla hinawakan ito ni Daniel. 

"Punta muna tayo sa likod, magdasal tayo." sabi niya. Pumunta kami sa isang sulok habang hawak hawak niya pa rin ang kamay ko at nagdasal kami. Before kami makabalik sa pwesto namin eh yinakap niya ako na medyo ikinagulat ko.

"Kaya natin to Seff." at yinakap ko rin siya. Yung pagkakayakap niya sa akin eh ramdam na ramdam ko. Parang unti unting nabawasan ang kaba ko.

Nung kumawala na siya sa pagkakayakap sa akin eh nginitian ko siya at ngumiti rin siya sa akin. Nababasa ko sa mga mata niya kung gaano siya kapursigido na mapanalo namin ang competition. 

Tinawag na isa isa ang mga participating school hanggang sa kami na nga ang tinawag.

"Madison University"

Sobrang hiwayan ang buong hall. Since, kami ang host this year, karamihan talaga ng audience eh students ng school namin. Habang tinatawag pa ang ibang school eh tinuro ni Daniel sa akin yung tarpaulin na may mukha namin. Natawa na lang din kami at kitang kita namin sina Sophia na todo sigaw at kaway sa amin. 

Umupo na kami sa mga desks namin at nag simula na ang competition. Napaka smooth ng pagtutulungan namin ni Daniel, halos lahat ng questions eh nasasagot namin. Every tamang sagot namin eh hiwayan ang lahat. Nakakaangat din ng confidence yung pag chee cheer nila.

Unti unti na kaming nababawasan hanggang sa 2 schools na lang ang natitira. Kami at ang Julian College. Nakailang clincher round kami kasi parehong nakukuha namin ang tamang sagot.

Mas lalo akong kinabahan. Gustong gusto ko manalo pero masaya na rin ako kasi pasok na rin kami sa Top 2. Hinawakan ni Brayden ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Relax lang Seff." kitang kita ko ang kalmadong mukha ni Daniel kaya napakalma na rin ako. 

Next question na, sinagutan namin at nang mag raise na kami ng boards, iba ang sagot namin at ang sagot ng kabilang school.

"One of them has the correct answer." sabi ng quizmaster na nagpatense sa amin pati na rin sa mga audience. 

"Julian College got the ..." hindi pa natatapos ang quizmaster sa pagsasalita eh napasandal na ako sa upuan namin kasi expect ko na sagot nila ang tama. 

"Wrong answer. So that means Madison University is our champion for this year's Inter-School Quiz Competition." nag ingay ang buong hall. Napatingin ako kay Daniel at yinakap ko siya. Napayakap ako sa kanya ng mahigpit at di ko namalayan na umiiyak na ako.

"Seff, congrats sa atin." sabi ni Daniel habang yakap yakap ako at pinapatahan sa pag iyak.

Inayos na lang muna ang mga desks at nag awarding na. Ako ang tumanggap ng trophy at bouquet namin habang si Daniel naman sa certificate at envelope na may cash prize. Picture picture lang tapos pagkababa namin eh sinalubong kami ng adviser namin at nandun din sina Sophia, Leila, Vince at Kristoff. 

Huli ko na napansin na nandun din pala sina Claire at Brayden. Nagpicture rin kami at kasama silang dalawa pero okay lang naman sa akin.

"Uyy, treat niyo naman kami." sabi ni Sophia. tatanggi na sana ako pero nagsakita si Daniel.

"Next week, ako bahala sa inyo." at bigla naman silang naexcite lahat. Mga budulera at budulero talaga. 

"Sige na. Mauuna na kami, diba maglilinis pa kayo? Hahaha" pang aasar ko sa kanila. Committee kasi silang lahat eh. Bigla naman silang nanlumo pero inin courage ko na lang sila na pati ako eh mag ti treat next week. 

Nauna nang umalis yung lima pero naiwan si Brayden.

"Congrats Tol." bati niya kay Daniel habang nakayuko lang ako. Nagpasalamat naman siya.

"Sa'yo rin ...." 

"Brayden, tara na." di na niya nabanggit ang pangalan ko kasi tinawag na siya ni Claire. Napaka possessive naman, sabi ko sa isip ko. Mag gi greet lang naman sana yung tao eh. Lumabas na rin kami ng hall ni Daniel.

"Grabe yung pagkakayakap mo sa akin kanina ah." asar niya sa akin habang naglalakad kami.

"Masaya lang ako." sagot ko sa kanya nang nakangiti.

"Mabuti di ka naman nadistract sa akin habang nag rereview tayo bago ang competition. Syempre diba, alam mong may gusto ako sayo." napaisip din ako saglit.

"Hindi naman, kasi parang nasanay na rin akong kasama ka tapos di mo rin naman pinapa feel sa akin na mailang ako sayo." totoo ang sinabi ko. Napaka natural lang din naman kasi ang pakikitungo sa akin ni Daniel kaya hindi ako masyadong nailang sa kanya at sanay na sanay ako sa mga pagloko loko niya. 

"Tsaka nasanay na rin ako sa mga hirit mo." sabi ko ng pabiro at natawa rin naman siya.

"Eto pala yung pera." abot niya sa akin pero di ko muna tinanggap.

"Diyan muna sayo. Tayong dalawa ang pupunta sa orphanage." nag agree naman siya sakin. Hinatid niya ako sa parking lot. 

"Seff, papayag ka ba na magpicture tayong dalawa. Kahit isang selfie lang, hawak nating tong trophy at bouquet." tanong niya sa akin at tumango naman ako. Kinuha niya yung phone niya at nagselfie kami.

"Salamat Seff." habang tumitingin siya sa cellphone niya eh tahimik lang ako at may iniisip kung sasabihin ko na ba kay Daniel. Hanggang sa nakapag desisyon na ako. Bilis noh? hahaha 

"Payag na pala ako Daniel." lumingon siya sa akin at nagtaka sa sinabi ko kaya sinabi ko ulit.

"Payag na ako." pero hindi niya pa rin magets. 

"Payag sa?" di ko inexpect na may pagka slow rin pala siya.

"Payag na akong manligaw ka." Nang marinig niya yun eh kitang kita sa mukha niya yung saya. Tumalon talon pa at parang mabibitawan niya yung trophy.

"Huy, yung trophy, baka mahulog." sabi ko sa kanya kaya napatigil na siya.

"Pero ako, nahulog na ako sayo." biglang banat niya na naman at napangiti ako run.

"Oyy, manliligaw ka pa lang naman Daniel, kumalma ka nga."

"Okay lang yun. Handa naman ako sa desisyon mo. Ang importante eh mapapakita ko na kung gaano ako kaseryoso sayo Seff." sabi niya sa akin na nakangiti pa rin.




Story Of My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon