SAT AT 10:46 AM
Helga : Nakausap na namin yung kakilala ni Kuya na hacker.
Helga : Hindi raw madaling mag-hack ng facebook account kasi magaling daw ang security ni facebook.
Helga : Nag-try akong ipaliwanag yung nangyari sa mobile phone mo pero di ko ma-elaborate ng bongga kasi baka makahalata si Kuya.
Helga : Pano na yan?
Jenessy : Nag-message ako sa account ni En. Send ko sayo screenshot.
Jenessy : [screenshot]
Helga : Buwisit siya!!! Ginagaya niya yung emojis mo!!!
Helga : Ang kapal ng mukha niya!
Helga : Grabe! Nakakagigil siya! Malaman ko lang kung sino yan, ida-dissect ko talaga siya!!!
Helga : BUWISIT!!!
Jenessy : Hindi ko na alam gagawin ko.
Jenessy : Baka paglaruan niya si Marcus.
Helga : May alam akong pwede mong gawin pero ewan ko kung kaya mo.
Jenessy : Baka pareho tayo ng naiisip.
Helga : O? Sige, ano?
Jenessy : Kailangan ko nang magpakilala kay Marcus. Kaysa paglaruan siya nung kumuha ng account ko.
Jenessy : Sigurado akong nasa Laguna pa yun ngayon. Anuman i-message nung impostor ni En, hindi niya pa mababasa.
Jenessy : Uunahan ko na.
Helga : Oo. Nasa Laguna sila. Umalis sila ni Ash kaninang 7am.
Jenessy : Buti naman. May time pa ko.
Jenessy : Kasalanan ko naman din kasi. In the first place, dapat naging honest ako sa kung sino ako. Kahit gano ka-awkward.
Jenessy : Naiiyak ako kasi...
Jenessy : Pakiramdam ko, sobrang vulnerable lang pala nung connection namin.
Jenessy : Kapag nawala yung account ni En, mati-threaten ako.
Jenessy : Kapag may nagkunwaring si En, pwedeng hindi na ko makilala ni Marcus.
Helga : Ang nega mo na naman a! Malay naman natin...
Helga : Siguradong magkaiba kayo nung impostor. Madadama naman siguro ni MM yun pag magka-chat sila.
Jenessy : E pano kung hindi?
Jenessy : Pano kung madali lang pala kong gayahin?
Jenessy : Ganun ba ka-special yung mga emoji ko? Keyboard lang yun na downloadable e. Special ba yung way ng pagta-type ko? Mahirap ba gayahin?
Jenessy : Hindi naman e.
Jenessy : Naiiyak ako kasi... parang ang babaw pala talaga ng connection namin.
Jenessy : Kahit na... ano pa ang nangyari.
Helga : Hays.
Helga : Pumunta ka rito after lunch at dito tayo umiyak.
Helga : Para hindi ka nega. Nang mag-isa.
Jenessy : Sige.
Helga : Wag ka nang umiyak diyan. Naiiyak na rin ako.
Jenessy : Kasi... natatakot talaga ko.
Jenessy : Pano kung di niya pa rin pala maramdaman kung sino ako?
Jenessy : Mahal ko si Marcus e.
Jenessy : Mahal ko na talaga siya, e.
Jenessy : Kaya mas nakakatakot.
Helga : Tahan na, Jenessy.
Helga : Tutulungan kitang maghanda para magpakilala, okay?
Helga : Dito ka na magdrama mamaya.
Jenessy : Sorry...
BINABASA MO ANG
Invisible Girl (Chat MD Series #1) (Published under Flutter Fic)
Teen Fiction(CHAT MD SERIES) An invisible girl. A popular boy. And the exchange of messages between them. # Epistolary | Young Adult | Romance