Day 59

27.6K 749 67
                                    

(Text messages. Helga and Jenessy)

____________________
09:10 AM

Helga :
Anong nangyari sa accounts mo? Bakit wala parehas?

Jenessy :
Deactivated, bestie.

Helga :
Ha? Bakit?

Jenessy :
Kwento ko sayo bukas. Sorry. Tinatamad pa kasi akong magsalita ngayon.

Helga :
May nangyari ba na hindi ko alam???

Jenessy :
Medyo lang. Bukas na lang talaga, please.

Helga :
Okay ka lang ba?

Jenessy :
Hindi...

Jenessy :
Pero magiging okay din ako.

Helga :
Okay.

Helga :
Na-message ka pa ba ni MM kahapon?

Jenessy :
Hindi. Bakit?

Helga :
Inatake uli Daddy niya a? Nag-drive siya papuntang Pangasinan kahapon. Tapos, nabangga.

Jenessy :
Nabangga???

Helga :
Oo e. Hindi mo alam?

Jenessy :
Hindi...

Jenessy :
Anong nabangga? Panong nabangga?

Helga :
Hindi ko pa rin alam e. Si Kuya nga, nagagalit. Ngayon pa lang kasi niya nalaman.

Helga :
Si Ash ata yung huling kausap ni MM kahapon, bago mabangga.

Helga :
E lutang din. Ayon, late mag-relay ng message.

Jenessy :
Si Ash? Hindi si Jeric? Anong oras daw nabangga?

Helga :
10 something? Mag-e-eleven? I don't know exactly.

Jenessy :
Nasan siya?

Helga :
Nasa ospital ata malapit sa Bulacan.

Helga :
Okay naman na raw. Nabugbog lang dahil sa impact. Pero nothing serious.

Helga :
Kausap ni Kuya kanina e. Para nga silang tanga e. Parehong beastmode sa phone.

Helga :
Ewan ko kung anong pinag-aawayan nun.

Jenessy :
Hala...

Helga :
I-message mo na si MM mo! Para lumakas! Hihihi.

Jenessy :
I can't... anymore.

Helga :
Ha? Bakit?

Jenessy :
Hays.

Jenessy :
Punta ka na lang dito sa bahay. Ikukuwento ko sayo.

Helga :
Okay, sige. :)

Invisible Girl (Chat MD Series #1) (Published under Flutter Fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon