SAT AT 01:22 AM
Helga : Ano? Na-open mo pareho yung accounts mo? Napalitan mo na yung passwords?
Jenessy : Helga!!! Hindi ko na ma-open yung account ni En!!!
Jenessy : Anong nangyari?!
Helga : Hala ka!
Jenessy : Wrong password daw ako!
Helga : Baka mali ka lang ng type! I-double check mo uli!
Jenessy : Naka-show password ako e! Tama naman type ko e!
Jenessy : Nakailang try na ko...
Helga : Hala!
Helga : Naguguluhan ako a!
Jenessy : Ako rin. Sandali ko lang naman iniwan yung phone ko sa table nung nagsayaw kami ni Marcus...
Helga : Kaya nga! So, ibig sabihin, may sadyang kumuha ng phone mo? Tapos nabuksan agad yung account ni En?
Helga : Tapos pinalitan yung password?
Helga : Ang weird a!
Jenessy : Ewan ko... Na-open ko naman tong account ko na Jenessy rito sa computer e. Napalitan ko rin ng password.
Helga : Mag-forget password ka na agad! Dali! Palitan mo na lang password ni En!
Helga : Wag ka muna mag-panic diyan.
Jenessy : Oo. Wait lang.
03:11 AM
Jenessy : Bestie!!! Wala na talaga!
Jenessy : Lahat na, sinubukan ko na!
Jenessy : Pati password ko ng gmail account ko as En, iba na. Wrong password ako!
Helga : Hala ka!
Jenessy : Anong gagawin natin?
Helga : Bakit ganyan? Parang sinadya!
Jenessy : Hindi ko na talaga ma-open. May second security pa! May number ng phone na nakalagay e wala naman akong nilagay dati.
Helga : Grabe a! Parang pinuntirya talaga yung account mo.
Helga : Sinong gagawa niyan?
Helga : Anong gagawin sa account ni En?
Jenessy : Ewan ko...
Jenessy : Anong gagawin natin?
Jenessy : Pano na yung account ni En?
Jenessy : Pano na si Marcus?
Helga : Gosh, hindi ako makapag-isip...
Helga : Teka lang.
Jenessy : Helga...
Helga : Tsk. Umiiyak ka ba?
Jenessy : Si Marcus kasi e. Magmi-message yun! Pano kami mag-uusap kung wala si En?
Helga : Nalilito ako...
Helga : Imposible naman kasing coincidence na natripan lang nung kumuha na palitan yung password ng kay En pero hindi yung password mo as Jenessy. Naka-open parehas yun sa mobile mo, di ba?
Jenessy : Naka-open parehas yung accounts.
Helga : Naka-open din parehas yung gmail mo?
Jenessy : Oo!
Helga : Grabe! Parang sadya talaga e...
Jenessy : Anong gagawin ko? Pano ko mababawi yung account?
Helga : I-report mo kay facebook!
Jenessy : Pwede. Pero matagal pa yun e. Pano si Marcus?
Helga : Grabe. Anong balak ng kumuha nun? Bakit pati account mo, kinuha?
Helga : Isipin natin kung pano babawiin yung account mo bukod sa report to facebook.
Helga : Kung na-take over na kasi yun, pano pa ibabalik sayo ni facebook?
Helga : Ewan! Ang gulo!
Jenessy : Si Marcus... sinong sasagot sa kanya kapag nag-message siya?
Helga : Hays.
Jenessy : And I thought things are getting good.
Jenessy : Yung sayaw namin kanina, yung conversation after...
Jenessy : Ang saya-saya ko...
Jenessy : Bakit naman ganito?
Helga : Wag ka munang mag-isip ng kung anu-ano. Tingnan muna natin kung anong mangyayari.
Jenessy : Kasi... pano kami mag-uusap ni Marcus niyan...
Helga : Tahan na diyan...
Jenessy : Kasi e...
Helga : Tahan ka na muna. Wag munang mag-nega. Pag-isipan natin kung anong gagawin.
Jenessy : May kilala ka bang hacker? Ipa-hack natin account ni En?
Helga : Tatanungin ko si Kuya kung may kilala. Pero... madali lang ba mag-hack ng facebook account?
Jenessy : Hala...
Jenessy : Hindi ako makakatulog nito...
Helga : Matulog ka! Hmp.
Helga : Tatanungin ko agad si Kuya bukas paggising. Tapos, imi-message kita.
Helga : Punta ka rito sa bahay bukas, gamitin mo na muna yung luma kong phone para may mobile ka.
Jenessy : Grabe. Sobrang bagsak na yung pakiramdam ko.
Helga : Tsk. Sinabi nang wag munang masyadong mag-isip.
Helga : Yung sayaw na lang muna kanina ang isipin mo, okay.
Helga : Gagawan natin ng paraan yung account mo.
Jenessy : Susubukan ko...
Helga : Tahan na diyan...
BINABASA MO ANG
Invisible Girl (Chat MD Series #1) (Published under Flutter Fic)
Teen Fiction(CHAT MD SERIES) An invisible girl. A popular boy. And the exchange of messages between them. # Epistolary | Young Adult | Romance