Day 73

27.1K 688 106
                                    

SUN AT 04:43 PM

Jenessy : Bestie! Sasabay kami mamaya magsimba ni MM a! (>///<)

Helga : Hmp. Masaya ako? Hahahahaha.

Jenessy : Hihihihihihi... (>///<)

Helga : Susunduin ka niya, ganun?

Jenessy : Hindi. Ano...

Jenessy : Nandito na siya sa bahay. Kanina pa...

Helga : Hala! Bakit? Anong ginagawa niya diyan?

Jenessy : E... Pinapunta ni Nanay. Weekend kasi e...

Helga : Ganun? ಠ~ಠ

Jenessy : E... Gusto siyang makilala ni Nanay e...

Helga : So, successful talaga yung kahapon? Akala ko, maghihigpit si Nanay Helen!

Helga : Pumayag talaga? ლ(ಠ益ಠლ)

Jenessy : Hahaha. Oo. Sabi ko kasi sa kanya bago pumunta si Marcus...

Jenessy : Sabi ko, mahal ko si Marcus. (>///<)

Helga : Yun lang sinabi mo, pumayag na? Bakit ako rito nung sinabi kong mahal ko si Ash, ang sama ng tingin nila sa kin? Huhuhuhu...

Helga : Pinapasok ako sa kwarto ko. (T_T)

Helga : Hustisya naman...

Jenessy : E... Ewan ko kay Nanay. Para siguro hindi ako magpaligaw sa labas. Kaya pumayag...

Helga : Ganun? ಠ~ಠ

Jenessy : Saka... aalis naman kasi si Marcus... (╥╯θ╰╥)

Jenessy : Alam mo ba? Sa abroad siya mag-aaral? (╥╯θ╰╥)

Helga : Hindi ko talaga alam... Pero dati, nabanggit ni Kuya na parang may ganung plano kay Marcus. Kasi, di ba, sa side ng Mommy niya, may mga ospital sila?

Helga : Priority raw sa kanila yung school kung saan ga-graduate.

Jenessy : A... Kaya pala.

Helga : So... ibig sabihin, dahil aalis siya, kaya siya pinayagan agad ni Nanay Helen?

Jenessy : Parang ganun...

Jenessy : Saka, pumasa kasi siya sa initiation ni Nanay.

Helga : E..? Anong initiation?

Jenessy : Ano kasi... Kahapon, nag-usap sila na silang dalawa lang. Tapos, kagabi, nung tinanong ko si Nanay kung anong pinag-usapan nila, sabi niya, kay Marcus ko tanungin.

Jenessy : Tapos, kaninang umaga, tinanong ako ni Nanay kung anong sinabi ni Marcus sa kin na pinag-usapan nila. After ko sabihin lahat ng sinabi ni Marcus kagabi, ngumiti lang tapos sabi niya, pwede ko na raw sabihan si Marcus na pumunta ngayong araw. Para mas lalo niyang makilala.

Helga : Wow a! ლ(ಠ益ಠლ)

Jenessy : Sakto ata sinabi ni MM. Ayun. So, nakapasa raw, sabi ni Nanay.

Helga : Huhuhu... Naiinggit ako e...

Jenessy : Hihi! Wag ka nang mainggit. Aalis naman si MM. Maiiwan ako...

Helga : Hindi ka inalok sumama?

Jenessy : Hala! Hindi pwede yun! Walang kasama si Nanay!

Jenessy : Saka... wala kaming pera.

Helga : Marami namang pera yun si Marcus.

Jenessy : Kahit na...

Jenessy : Siyempre, hindi niya ko dapat gastusan sa ganung bagay. Mali yun. Kahit si Nanay, hindi papayag.

Jenessy : Tingnan mo nga ikaw, kapag may ibinibigay ka sa kin, sinusubukan ni Nanay na i-compensate. Para hindi malibre talaga.

Helga : Tsk. Oo nga. Hmp.

Helga : Pano yun? So maghihintay ka?

Jenessy : Oo. Maghihintay din naman siya e.

Jenessy : Saka, demanding ang medicine. Siguradong halos hindi namin mamamalayan ang taon. :)

Jenessy : Gusto namin pareho mag-doktor, dapat paghirapan namin. Kung gusto namin pareho ang isa't isa, dapat kayanin namin...

Jenessy : Kahit malungkot yun pag wala siya...

Helga : E... maraming ibang babae sa ibang bansa. Tsk.

Jenessy : Hala...

Helga : Saka, malamang magiging busy kayo pareho. Magkaiba ang timezone...

Helga : Ilang taon ang Medicine? 4 years tapos 2 years na residential.

Helga : Six years yun...

Helga : Sure ka?

Helga : Oy!

Jenessy : Hindi ako ganun ka-sure...

Jenessy : Pero susubukan kong mag-work kami. Mahal ko e.

Jenessy : At hindi ko siya pipigilan sa posibleng mas magandang future.

Jenessy : Kasi, mahal na mahal ko.

Helga : Hala... Baka umiiyak ka na a. Hmp.

Helga : Naniniguro lang akong alam mo ang lahat ng consequence ng long distance.

Helga : Wag kang mag-alala! Kapag nagloko siya bigla at nasaktan ka, dadayuhin ko siya kahit nasaan siya para awayin natin!

Jenessy : Okay... (∩_∩)

Helga : Wag ka na umiyak a. Siya paiiyakin natin pag nagkamali siya.

Jenessy : Oo. Pero sana, hindi.

Jenessy : Next year pa naman siya aalis.

Jenessy : I will give him enough memories to love me more. (∩_∩)

Helga : Sus. Hindi pa ba baliw yan sayo? Parang sa kwento kasi ni Kuya, buang daw. Hahahaha.

Jenessy : Kahit na. I will love him more and make him love him more.

Jenessy : Wala namang nakakaalam kung anong mangyayari sa future. Pero magtitiwala akong magiging okay kami.

Helga : Yan. Ganyan. Yiii...

Helga : Support mo ko. :)

Jenessy : What time kayo sa mass mamaya?

Helga : Same pa rin. Sa 6pm mass.

Jenessy : Okay. Balik na muna ako sa kusina. Tinuturuan ni Nanay si Marcus magluto ng ginataan.

Helga : Haha!

Helga : Hmp. Kainggit. ಠ~ಠ

Helga : (*^^)v

Jenessy : Hihi. Later, bestie!

Helga : Ge, maya! (*^^)v

Invisible Girl (Chat MD Series #1) (Published under Flutter Fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon