(Text messages. Helga and Jenessy)
____________________
06:17 PMHelga :
Huwebes pa raw ilalabas si MM sa ospital, sabi ni Kuya.Jenessy :
A, okay.Helga :
Tama hula natin. Nandun sa Bulacan sina Jeric at Ash. Si Kuya, tumuloy ng Pangasinan para magbalita kay MM ng tungkol sa Daddy niya.Jenessy :
Okay.Helga :
Hindi ka na ba talaga magmi-message sa kanya?Jenessy :
Para saan pa? Uulit lang kami.Jenessy :
Hindi pa rin naman niya ko kilala. Ayoko nang magtago sa dummy account. Saka, una pa ring nag-confess si Jeric. Kung susundin yung bro code nila, lost case na ko.Helga :
E kahit man lang sana magsabi ka kay Marcus na ikaw si En.Helga :
Malay mo, may magbago.Jenessy :
May magbabago talaga. Gusto niya si En e. Kahit sinong maging En, gugustuhin niya.Helga :
Bakit hindi niya gusto si Carmi, o?Jenessy :
Hindi lang siguro magaling umarte si Carmi. For sure, if someone could act exactly like how he expect En to act, he will believe them.Helga :
Wow. #AbandonAllHopeJenessy :
Kaysa naman umasa... tapos, masasaktan na naman ako.Helga :
Pano kung hindi ka naman pala niya sini-set-up kay Jeric?Jenessy :
Pwede ba naman yun. Siya dapat yung ka-meet ko. Nung dumating si Jeric, he was without knowledge of the accident.Jenessy :
Kung pinakiusapan niya lang si Jeric to meet me, e di dapat, nag-explain yun for him. Kahit pano.Jenessy :
E hindi naman e. Hindi na ko nakaiwas sa movies. O sa lunch. Ambush date yun, bestie.Jenessy :
Hindi ba malinaw na set-up yun?Helga :
Sana kahit mag-reactivate ka para makita mo kung may message siya. Hindi kasi talaga ako naniniwala na isinet-up ka lang e.Jenessy :
Okay na yun, bestie. Magkalimutan na lang kami. Para hindi maging magulo yung friendship nila ni Jeric. Para rin hindi maging complicated na ipilit sa kanya na ako si En.Helga :
Sigurado ka na diyan?Jenessy :
Opo. :)Helga :
Susko a. Wag mo kong pakitaan ng smiley! ಠ~ಠHelga :
Tapos sa personal, maga yang mata mo! Tusukin kita! ಠ~ಠJenessy :
Okay.Helga :
Wag ka na ring umiyak. Maawa ka sa tearducts mo.Jenessy :
Subukan ko.Helga :
Hmp. Miss mo no? Nag-aalala ka no?Jenessy :
Don't tease me anymore. I'm barely holding out.Helga :
Hmp. Okay.Helga :
Gusto mo bang binabalitaan pa rin kita o wag na?Jenessy :
Wag na sa susunod, bestie.Helga :
Hmp. Sige.Jenessy :
Gagawa na muna akong schoolworks.Helga :
Okay. Agahan mo bukas a.Jenessy :
Okay.
BINABASA MO ANG
Invisible Girl (Chat MD Series #1) (Published under Flutter Fic)
Teen Fiction(CHAT MD SERIES) An invisible girl. A popular boy. And the exchange of messages between them. # Epistolary | Young Adult | Romance