FRI AT 09:09 PM
Marcus : Just got home.
Jenessy : Hmp. Late na. May mga gagawin ka pang homeworks.
Marcus : It's okay. Friday naman.
Jenessy : Hmp.
Jenessy : Kahapon, sabi mo, okay lang kasi Thursday. Nung isang araw, okay lang kasi Wednesday. Hmp.
Jenessy : Pano tayo magiging doktor niyan..?
Marcus : Haha. I just feel the need to be by your side. At least for this week.
Marcus : Hanggang masanay ka nang kasama ako at masanay na rin yung mga tao na nakikita tayo.
Marcus : I know you worry about the posts.
Jenessy : A...
Jenessy : E... Ganun talaga e.
Jenessy : Wala namang magagawa run.
Jenessy : That's their opinion.
Jenessy : Saka marami kasing may gusto sayo.
Marcus : Hm. You're not bothered?
Jenessy : Bothered. ಠ~ಠ
Jenessy : Feeling ko nga, anytime, may sasaksak sa likod ko.
Jenessy : Pero kasi, kahit bothered ako... kailangan kong tapangan, di ba?
Jenessy : Kahit nakakainis sila... ಠ~ಠ
Marcus : Hm. You matured a little.
Jenessy : Alam mo, kung lumaki kang awkward, isa yun sa dapat matutunan. Yung tanggapin na ang opinyon ng mga tao, opinyon nila. So, kanila.
Jenessy : At kahit minsan, nakakasakit ang opinyon nila, kanila yun kaya dapat pabayaan na lang.
Jenessy : I have to believe in myself a little, di ba?
Marcus : Hm. And you've learned that already?
Jenessy : Nasa process of learning pa rin. Hindi kasi madali ang maging target.
Jenessy : Dati, masakit kasi hindi ako napapansin. Ngayon, masakit kasi lagi naman akong pinapansin. To the point na pinapakialaman.
Marcus : Kaya umiiyak ka nung nakaraan?
Jenessy : E kasi...
Jenessy : Nakakaiyak naman talaga e. Kahit hindi nila direktang pangalanan, alam ko naman na ako yung nasa mga posts.
Jenessy : Kahit nga siguro hindi ako o hindi tungkol sa kin ang post, basta hawig sa nangyayari ngayon, mani-nega ako tapos iiyak, tapos, magmumukmok.
Jenessy : Nung isang araw pa, narinig ko sa banyo na pinag-uusapan ako. Simpleng usapan lang nila kung bakit hindi tayo bagay o hindi dapat magkasama.
Marcus : Sila lang may sabi nun.
Jenessy : Oo. Kaya nga, hindi ko na lang pinapansin.
Jenessy : Saka kasi...
Marcus : Hm?
Jenessy : Ayokong mag-aalala ka e.
Jenessy : At ano... Medyo nagpi-prepare na ko sa long distance. (><)
Marcus : Haha. What exactly are you preparing for?
Jenessy : E di yung ano, yung chance na mas maraming bad vibes akong makukuha sa maraming tao. Mas maraming bad news. Mas maraming doubts... habang wala ka.
BINABASA MO ANG
Invisible Girl (Chat MD Series #1) (Published under Flutter Fic)
Teen Fiction(CHAT MD SERIES) An invisible girl. A popular boy. And the exchange of messages between them. # Epistolary | Young Adult | Romance