Day 52: Coffee

182 4 0
                                    

Coffee
-----

By 04:40 ng hapon, nasa coffee shop na 'ko na meeting place namin ni Marcus. May bakanteng upuan sa labas kaya ro'n muna ako umupo. Hinang-hina na kasi ang tuhod ko sa takot at kaba. I didn't know how I would survive this day or if I would ever survive this day.

Pangalawang araw na 'to na wala 'yung phone ko. Hindi ko alam kung ano na ang mga posibleng sinabi no'ng impostor kay Marcus. Pero siguradong hindi 'yun mag-aaksaya ng oras. Mabuti na lang talaga at nagpunta si Marcus at Ash sa Laguna para sa thesis nila. May oras pa 'ko para mag-intercept. Marcus has to see and hear me first para hindi siya maloko nang kung sinuman 'yung magnanakaw.

I wore a blue dress again, today. Nag-ayos din ako kahit pa'no. Maghapon, nagpraktis ako ng sasabihin kay Marcus. Kung pa'no ako aamin na ako si En. Kung ano'ng mga ipapaliwanag ko. Kung bakit ang lapit-lapit ko lang pero nagtago pa 'ko sa dummy account.

I didn't know if this day will turn out right. But I need to let him know the truth. For his sake.

Ayokong paniwalain siya ng iba na nagkukunwaring ako. Ayokong mapaglaruan siya. Ayokong masaktan siya.

Kahit na posibleng... ako naman 'yung masasaktan kung tatanggihan niya 'ko bilang En o Jenessy. O kung ako naman 'yung mapapahiya.

Nag-message ako sa kanya na nasa coffee shop na 'ko. Pagkatapos no'n, panay na ang check ko ng reply niya.

Wala.

By 05:15, I went inside the coffee shop. Nag-message uli ako kay Marcus. Ni hindi man lang na-seen.

He must be driving. I should just wait patiently dahil darating siya.

I waited for 15 more minutes. Then, 30. Bawat bukas ng pinto ng shop, napapatingin ako. Baka siya na kasi 'yung dumating. Pero laging hindi.

I sent him updates from time to time. Hindi niya nakikita 'yung messages ko. Hindi rin siya nagre-reply.

Napalitan na ng worry 'yung kaba ko.

By six in the evening, I knew he wouldn't be able to come. Pero pagbukas uli ng pinto, nakaabang ako.

I saw a familiar face. Pero hindi si Marcus kundi si Kuya Jeric. He was looking around. Nang magtama ang mata namin, ngumiti siya.

Then he proceeded to walk towards me.

"Hi," he said. Umupo siya sa katapat na upuan ko.

"Hi..." mahinang sagot ko.

"Hindi makakarating si Honey. Kaya ako na lang ang pinapunta," sabi niya.

Napatungo ako.

"What coffee do you want?" untag ni Kuya Jeric.

"Ha?" Nagtaas ako ng mukha sa kanya. He was smiling - really smiling warmly. "Ah... kasi..."

"Caramel? Mocha? Cappuccino? Latte?"

Nangiti ako sa sunod-sunod na tanong niya. Hindi ako sanay. Tuwing nakikita ko kasi siya, nakasimangot siya. Suplado. Kapag naman kasama niya sila Kuya Harry, magulo siya at tumatawa pero grupo naman 'yun. Kasi, lahat naman yata ng nadidikit kay Kuya Harry, magmumukhang weird kung hindi man lang matatawa sa ligalig. First time kong makasama si Kuya Jeric na siya lang.

"Caramel," sabi ko sa kanya. "Pero..."

"Hm?" tanong niya habang naglalabas ng wallet.

Mukhang bibili talaga siya ng kape. Baka hindi pa rin siya nagmemeryenda. Nakakahiya naman magsabi na gusto ko nang umuwi samantalang pinuntahan niya pa 'ko rito.

"I like caramel," sabi ko at ngumiti.

"I like caramel, too," sabi niya at ngumiti habang nakatingin nang diretso sa 'kin.

Napakurap ako. Parang may iba kasi sa ngiti niya na nakakapagpakaba. I should be more confident now dahil sa mga encouragement ni Marcus. Bakit ang dali ko pa ring ma-awkward?

"Bibili lang ako sandali," sabi niya at tumayo.

"Okay..." bulong ko.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa pumila siya sa counter. I need to ask him about Marcus.

***

Nakauwi na 'ko ng bahay pero hindi ko man lang natanong kay Kuya Jeric kung ano'ng nangyari kay Marcus. Kung saan-saan kasi napunta 'yung topic namin — sa arts, sa bio, sa prof, sa trolls, sa pagkain, sa medicine, sa future plans. Ang hirap magsingit ng tanong sa momentum namin.

Nag-message ako kay Marcus pero hindi na naman nag-reply. Kahit seen. No'ng hindi na 'ko nakatiis, nag-message ako kay Kuya Jeric para magpasalamat. #

Invisible Girl (Chat MD Series #1) (Published under Flutter Fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon