Blue
-----I'll go to you.
Napalunok ako sa huling message ni Marcus sa messenger. Nakita ko sa tagiliran ng mata ko na tumayo siya kaya dahan-dahan naman akong napapihit pataliwas sa kanang bahagi na panggagalingan niya.
I didn't know how to calm the butterflies in my stomach that I tugged at my hair.
I hope he didn't find me too weird na kailangan niya pang i-message online to ask for a dance kahit na nasa iisang round table na kami at kanina pa nagkakasulyapan. It was just that he made me so nervous. 'Yung mga simpleng sulyap niya na parang may kahulugan, pinapakaba ako. I was wearing a blue cocktail dress as En promised. He was slow dancing with ladies wearing blue dress as he promised - until he gets to dance with En.
With me.
Kahit na alam kong kapag isinayaw niya ako, posibleng dahil lang 'yun sa naka-blue kasi ako, hindi ko mapigilang umasa na mararamdaman niyang ako si Invisible Girl kapag magkalapit na kaming dalawa. Kasabay ng pag-asam na 'yun ang doble-doble ring takot at pagkabahala... because if he asked me about En, I wouldn't know what to do or how to respond. I wasn't prepared to tell him about myself and how I feel that made me resort to hiding behind En Visible's name.
But I could be worrying over nothing again. He's a gentleman. He won't ask... right?
Lalo kong nahihila ang buhok ko sa anticipation. Kinakapa ko minsan 'yung cute na hairpin na may dangling crystals sa right side ng ulo ko. Baka mahila ko rin kasi at masira. E hiniram ko lang 'yun kay Helga.
At nasaan na kaya si bestie? Bakit lagi niya 'kong iniiwan?
"Bestie! I'm here!"
Napalingon ako agad sa pinanggalingan ng boses ni Helga. Bitbit niya 'yung videocam habang mabilis na lumalakad sa silver dress niya.
Hindi ko alam kung ga'no kalaki 'yung mata ko habang palapit pa lang siya. Pero malaki rin 'yung singkit na mata niya sa 'kin. I know that look from her - umayos ako, samantalahin ko, galingan ko.
At malamang, gusto niya rin 'kong mahimatay. Napag-usapan namin 'yun e. Para raw saluhin ako ni Marcus at makayakap ako nang libre.
Naramdaman ko si Marcus sa harap ko kahit na nakalingon ako kay Helga. He just needs to close the distance between us and the air supply in the room will deplete.
I can't breathe easily.
Unti-unti, pumihit ako sa kinatatayuan niya. Tumingala ako sa kanya.
He looked marvelous in his navy blue tux. Nang magtagpo ang mga mata namin, nahirapan akong magbawi ng tingin.
"Dance with me," he said.
Inilahad niya ang palad niya sa 'kin at ngumiti.
I couldn't move. I just stared at him as if I was hypnotized!
Ngumiti pa rin sa 'kin si Marcus at lalo pang lumapit. Hinawakan niya ang kanang kamay ko at iginiya ako para tumayo. Tapos, naglakad kami patungo sa dancefloor.
My God, hindi ko mapigilang hindi sumunod sa pagkilos niya! Maybe, I was really hypnotized.
"Let's dance while the music's good."
Ni hindi ako makatango. He was overhelming my senses - naaamoy ko ang pabango niya, nararamdaman ko ang init ng kamay niya, at nanunuot sa tainga ko ang bawat salita at paghinga niya.
He smiled at me again. Kahit na wala akong sinasabi.
O baka naman ngumiti siya dahil nga wala akong sinasabi? Oh no!
BINABASA MO ANG
Invisible Girl (Chat MD Series #1) (Published under Flutter Fic)
Teen Fiction(CHAT MD SERIES) An invisible girl. A popular boy. And the exchange of messages between them. # Epistolary | Young Adult | Romance