Kabanata 33

43 2 0
                                    


Kabanata 33

Fulfill



Dumilat ako sa marahang gising ng malamig na hangin. Inisip ko pa saglit kung saan nanggagaling ang hangin, natanto kong doon pala dumadaan ang hangin sa nakabukas na sliding door ng terasa. At mula rito, tanaw ko ang asawa kong nakaupo sa silya at nakapaharap sa imahe ng mga bulundukin ng Arran. He's quiet and bowing a bit.

Tahimik ang kilos ko nang bumangon. I am still naked from our intimate activity last night. Inisip ko na babalik din naman agad kami sa pagtulog, nakuntento na ako sa sinuot kong silk robe na tinatali ko pa ang ribbon sa lakad ko palapit kay Malcom.

Hindi pa man gaanong nakakalapit, natanaw ko na ang kung anong binabasa niya. I stalled behind him. Marahang yumuko at niyakap siya. Malcom seemed to notice my presence before I could hug him so he didn't flinch at my movement. Ipinilig ang ulo habang patuloy pa rin na sinusundan ng tingin ang nakasulat sa papel.

"Maaga pa," tahimik kong sabi sa inaantok na boses.

I just realized it's too early for us to be up. Pagtanaw ko sa langit, madilim pa at parang medjo matagal pa bago mabanaag ang araw. Tahimik at malamig din ang paligid. Maliban diyan, natanto ko rin na gaya ko, naka roba lang din si Malcom. He must be naked, too, just like me.

"Nagising ba kita?" aniya at iniwan ng tingin ang sulat para balingan ang bulubundikin ng Arran sa harap namin.

"No. You are too quiet to even threaten me to wake up. Anong binabasa mo?" halik ko sa balikat niya.

"Sulat mo..."

Umangat ang kamay niya para sa marahang hawak sa beywang ko. I strode slowly as he guided me to stand before him.

"Where did you get it?" I asked, propping my knees on either side of him.

One after one. Hanggang sa makaupo na ako sa kandungan niya. Malcom leaned back on the seat to have a better view of me. Sumabog ulit ang malamig na hangin na gumulo sa buhok ko. He lifted his hand to guide my hair strands to the back of my ear.

"Kay Vivian. Binigay niya kahapon."

"Bakit mo binabasa?"

"Para sa'kin 'yon, galing sa'yo. I won't be at peace if I didn't get to read it," aniya.

Saglit kaming nagkatinginan. I can feel my face slowly burning at the thought of him reading my letter. Ipinagpasalamat ko na lang na madilim pa sa labas at malamlam din ang ilaw sa loob ng kwarto kaya hindi gaanong kita ang pamumula ng mga pisngi.

"Patawarin mo 'ko kung hindi kita napuntahan no'ng gabing 'yon," his voice low at soothing.

"Napag-usapan na natin 'yon kagabi. We've already talked about our reasons. And I forgive you."

I cupped his face. Sandaling pinagmasdan ang mukha niya. Hindi dapat ganito pero naudyok akong patakan siya ng halik sa labi. I felt him smiled that I kissed him again.

"You wanted me to keep you close, sabi mo sa sulat," he whispered against my lips.

"I did," agap ko. "It was my hope for that night. Gusto kong sa'yo nalang ako kesa sumama kay Mamita sa ibang bansa."

His thumb soothingly rubbed the side of my waist.

"Kung tinagpo kita sa kapilya no'ng gabing 'yon, gusto mo bang itanan kita?"

I gasped at the shock.

"Tanan? You're seriously thinking of eloping with me?"

Tumango siya. "It seems like that. Kung nagkita tayo no'ng gabing 'yon at gusto mong ilayo kita sa Mamita mo, oo, makikipagtanan ako."

Ending the Heart's Rebellion (Amor Fortis 1)Where stories live. Discover now