Kabanata 40

23 0 0
                                    


Kabanata 40

Malcom Calvacci Zalderial



I know what I want. I know my priorities. Alam ko kung ano ang mga bagay na dapat kong pagtuonan ng pansin. Alam ko. Ang hindi ko lang alam ay kung paano ko tatanggihan ulit si Cozen.

"Is it really that impossible for you to reconsider?" pang ilang ulit niya ng tanong sa'kin 'to sa ilang beses niyang balik dito sa Arran para kumbinsihin akong tanggapin na ang alok ni Lola.

I don't know how else I'm gonna say this to him. Wala na akong ideya kung anong klase pa ng pagtanggi ang gagawin ko para sukuan na ako ng mga Zalderial. It's not that I'm playing hard to get or that I'm condescending to play important and needed by the clan. Wala rin akong sama ng loob para sa kanila.

Ang pagtanggi ko ay hindi kailanman personal sa akin. Ang nasa isip ko, tumiwalag na si Papa sa pamilya kaya wala na rin akong karapatan para panghimasukan pa ang kahit anong operasyon ng angkan. Iyon ang rason ko. It's not a refusal out of resentment for what my father did. Balita ko pa, hindi gano'n kadali ang tumanggap at humawak ng kahit anong aktibidad ng angkan.

"Malcom? Are you with me in this discourse?" si Cozen nang nahuli akong tila nawawala sa usapan.

Kumurap kurap ako para makabawi mula sa paninitig sa isang bintana. Cozen and I are having a very serious deal here. Hindi ko alam kung paano ko siya tatanggihan, hindi pa nakatulong na kanina pa inaagaw ng kung ano ang atensyon ko.

"Sorry about that," tipid kong tugon. "Bigyan mo pa ako ng oras para mag-isip. Pero gaya ng mga naunang sagot ko, baka hindi ko rin ulit tanggapin ang alok mo ngayon."

"I hope you reconsider, Malcom. Pareho nating alam kung bakit ganito kagusto ni Lola na makabalik ka sa estate. Kayo ni Tita Martha. I know you don't want to do anything with the Zalderials anymore, but things await for you in the estate."

Habang tuloy tuloy si Cozen sa pangungumbinsi sa akin, tuloy tuloy din ako sa pagtanaw sa bahay na 'yon. Nakakatugon naman ako sa usapan. Kaya lang, nahihila pa rin ang tingin ko na balingan ang bintanang iyon. I somehow loosened up from the tension of this conversation. May ambang susugat na ngiti kapag nahuhuli ko ang babaeng nagmamadaling magtago sa likod ng kurtina ng bintana kapag nililingon ko ang banda niya.

Ang sabi ni Cozen, babalik siya sa susunod na araw para sa sagot ko. I prepared for it. I had to think and consider it thoroughly. Kinailangan ko pang dalawin ang ilog para payapang makapag-isip.

My brows shut when the view of the river didn't seem to meet my expectation. Marami palang tao rito ngayon. Nandito ang mga kakilala kong bumabati pa sa akin. Pero sa kabila ng lahat ng bumabati, hindi maalis ang tingin ko sa babaeng lumulusong sa tubig sa 'di kalayuan. I tilted my head while assessing her. She seems clueless about what awaits for her beneath the water.

I don't think she's from here. Lahat ng taga rito ay alam ang ligtas na parte ng ilog at kung saang banda ang hindi. And this girl is definitely heading to the deep and probably to the dangerous area of the river.

"Ano'ng nararamdaman mo?" tanong ko habang hawak siya sa mga bisig ko pagkatapos ko siyang iangat mula sa tubig.

Hindi ako nakatanggap ng sagot maliban sa paninitig niya sa akin. Her stare at me is giving me different interpretations. Pero hindi ko magawang balewalain ang mga mata niya. Forget what she means with her stare, her eyes are just too pretty that I can't afford to look away.

Her eyes that's in between green and brown. Almost the same color of the river's water. Nakakamangha kapag kalmado. Maganda kapag namimilog dahil sa gulat. Gaya ngayon, nahuhuli ko ang gulat sa mga mata niyang namimilog pagkatapos sabihin ni Cozen na bantayan ko muna siya sa buong tigil niya rito sa Arran.

Ending the Heart's Rebellion (Amor Fortis 1)Where stories live. Discover now