Chapter 27

3.5K 174 10
                                        

Jazmine Allison

"Parang may problema ang mahal mo cous." Bulong ni Dominique sa akin.

Napatitig ako sa kasintahan kong nasa harapan at abala sa laptop nito pero mahahalatang balisa. Nagturo ito kanina at mukhang walang gana kaya nagbigay ito ng mahabang pagsusulit.

She's quiet today than usual.

Nag-reply ito sa text ko kahapon pero gabing gabi na. Humingi ito ng pasensya at sinabing lumabas ito at may inayos. Hindi nito sinabi na kasama nito si Liam pero wala akong dapat ikabahala. Hindi ko na rin naman inungkat at may kakayahan naman akong alamin.

Lumapit ako kay Dominique at bumulong.

"Itutumba ko ang ex-suitor niya."

"Ha?!" Napalakas ang pagkakasabi nito kasabay ng paglagapak ng ballpen nito sa sahig.

Mabilis akong umayos ng upo habang tutok na tutok ang mga mata ko sa aking libro at sinasagutang papel.

"Miss Howard, may problema ba?" Rinig kong tanong ng kasintahan ko.

"Wala po, Miss Fin. Pasensya na po, parang may nanusok kasi sa akin."

Ikaw tung may panusok cous. Nadali mo si Medusa.

Hindi ako lumilingon sa harapan dahil ayoko muna itong bigyan ng dagdag isipin. I want her not to worry. Pwede ko naman itong puntahan mamaya sa sarili nitong opisina sa faculty para kausapin.

Hindi na ito nagsalita hanggang sa tumunog ang bell hudyat na tapos na ang klase.

"Miss Reyes, can you carry my book?"

Natigilan lahat ng mga kaklase ko sa paglabas at lumingon rito. Kahit ako ay natigilan dahil kahit kailan ay hindi ito nag-utos kanino man na buhatin ang mga kagamitan nito. Hindi rin naman kasi marami ang kinukuha nito. Ang shoulder bag nito, isang libro para sa subject namin, at ang laptop nito kaya nakakapagtaka talaga at papabuhat pa nito sa akin ang isang libro pero wala naman sa aking problema. Hindi ko na ito kailangang sadyain mamaya.

Kahit si Sofiera ay natigilan ng kukunin na sana nito ang laptop at lahat kami ay nakatingin rito.

Napakunot ang noo nito. "Dismissed na, go and take your breaks."

"Reyes daw, buhatin mo ang libro ni ma'am."

Napaikot ang mga mata ko. Tuloyan ng lumabas ang mga ito.

"I'll see you sa cafeteria." Si Dominique.

"Sige cous." Lumapit ako kay Sofiera at kinuha ang isang libro nito bago lumabas at sumunod rito.

Wala kaming imik hanggang sa makarating kami sa opisina nito. Pagkatapos nitong maisara at mailocked ang pinto ay ipinatong nito ang shoulder bag sa lamesa kasama na rin ang laptop nito.

Tumingin ito sa akin na parang hapong hapo. Maganda pa rin at presko kahit pagod itong tignan. Lumapit ako at ibinaba ang libro nito sa lamesa. Ito na mismo ang lumapit sa akin at niyakap ako nito.

"Namiss kita mahal ko." Malamyos na wika nito.

Niyakap ko ito pabalik at hinaplos ang likuran nito. Kung ano man ang pinagdadaanan nito ngayon ng dahil kay Liam. Ako ang bubura non.

"I miss you too."

Napakagat labi ako ng hindi inaasahang halikan nito ang leeg ko. Mga munting halik na nagpatayo sa mga balahibo ko. Humigpit ang yakap ko rito. She's so soft at super bango. Si Sofiera Fin na ito. Bakit aangal pa ako kung ako na ang pinakamaswerteng nilalang sa mundo?

Binigyan ako ng isang halik sa labi bago ako nito titigan ng may pag-aalala.

"Ok ka na ba? Wala na bang masakit sa iyo?" I know she's referring about the accident na nangyari sa akin noong isang araw.

"I'm totally fine sweetheart." Inipit ko sa tainga nito ang ilang hibla ng buhok nito. "Ikaw dapat ang mag-iingat, I can handle myself."

"Kakalabas mo lang sa hospital." Paalala nito sa akin.

"I am aware of that my love. And I'm also aware na maayos ang sasakyan ko noong araw na iyon.  Kung sino man ang nakialam doon, magbabayad sa aming mga Giudevaun, malala."

Nakita kong may dumaang emosyon sa mga mata nito. Takot o pangamba, hindi ako sigurado.

"Sigurado kasi akong hindi iyon sisikatan ng araw kapag napasakamay na siya ni mama Risen."

Hindi naman ako manhid para hindi alam na si Liam ang may pakana non. Ang hindi ko lang maintindihan bakit hindi nito masabi sa akin na pinagbantaan rin ito ni Liam.

Yumakap ulit ito sa akin. "Basta, mag-iingat ka pa rin. Mahal na mahal kita, Jazzy."

"Mas mahal kita."

At hindi ko hahayaang may manakit sa iyo.

*****

Kinagabihan ay dumalaw ako sa bahay ng aking kasintahan. Pagkabukas ko sa gate nito ay siyang pagtambad nito sa paningin ko. Nakabihis at halatang aligaga.

Nanlaki ang mga mata nito sa akin ng makita ako. Hindi siguro nito inaasahan. Well, susundoin ba ito ni Liam?

"Saan ka pupunta sweetheart?" Tanong ko rito. Lumapit ako rito at hinalikan ang labi nito.

"Ah, I'm going out with my friends."

And I know it's a lie but it's ok. I'm ready to break a bone tonight. Inilabas ko ang cellphone ko at nag-text ako kay mama Risen.

Mama, I need a back up. Sent!

Hinalikan ko ulit ang pisngi nito. "Sige sweetheart, uuwi na rin ako kasi nag-chat si mama. May pinapagawa sa akin, dumalaw lang talaga ako to see you. Enjoy ok? Don't forget to message me kung nakauwi ka na. I love you."

"Ingat ka sa pagmamaneho."

"Do you want me to drop you off instead?" I'm testing her.

Umiling naman ito. "Hindi na love. P-pick upin naman ako."

Tumango ako rito. "Update me ok?"

"Yes, of course."

Ng makatalikod ako at makasakay sa aking sasakyan ay mabilis akong nagmaneho. Nagtago ako sa hindi kalayuan para hindi nito makita ang ginamit kong sasakyan.

I'm coming. Basa ko sa chat ni mama Risen sa akin.

I am tapping my fingers sa manibela ng makitang tumigil si Liam sa hindi kalayuan na malaking gate ng subdivision at sundoin nito ang kasintahan ko.

"I'm on my highway to hell." Kanta ko habang matamang nakatingin sa sasakyan nitong papaalis.

Mamaya pa ay tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko ang screen at nakita ang pangalan dito ni Tita Xen. Napangisi ako, kung paborito ako ni Tita Swan, mas paborito ako ni Tita Xen at si Tita Xen ang pinakahayop sa mga ito, she's next to my mama Risen.

I swipe to answer it. "Yes Tita?"

"I'm on my way to you."

Hindi na ako nagtataka dahil kahit bago ang sasakyan ko. Alam kong tinamnan ni Tita Swan ulit ito ng gps sa utos ni mama Risen. Kung hindi pa ako madi-disgrasya ay hindi ko malalamang may nakakabit na tracker sa mustang ko noon.

"See you Tita."

Habang nakatingin sa harapan ay napangisi ako ng mamatay ang tawag.




You mess with the wrong person, Mr. Torilla.

Desiring Miss Fin (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon