XXI - First Love

3 1 0
                                    

"First Love"

Naniniwala din ba kayo sa three categories of love?
'Yon bang may first love, intense love, at unconditional love?
Halika't basahin mo 'to.
Ikukwento ko sayo ang tatlong lalaking inibig ko.

Una, siyempre 'yung first love.
Nakilala ko siya noong high school pa lang kami.
Sa unang sulyap, para agad akong nakuryente.
Matangkad, singkit, at maputi.
Ang pangalan niya ay Silvestre.

Sikat sa school kasi nga agaw pansin ang maputi at makinis niyang balat.
Hindi lang 'yan ha?
'Yung ngiti niya na nalabas ang dimples ang kinuhumalingan ng halos lahat.
Pero ang hindi nila alam,
Maliban sa gwapo niyang mukha, ay sa mga kwela niyang kwento ka mahihila.

Nagkataon nobya niya sa panahong 'yon ang isa sa mga malalapit kong kaibigan.
Kaya ko siya talagang nakilala.
Sa likod pala ng maamo niyang mukha,
Aba! Playboy pala si kuya.

Noong maghiwalay sila ng kaibigan ko,
Aba! Ang loko nakipagkilala sa'kin.
Eh si ako naman na matagal na rin siyang crush,
Eh, bindi na rin nagpaka-Maria Clara.

Teka, teka, bago ka manghusga,
Sa panahon naming 'yon hindi pa lahat seryoso at ma-issue.
Naging magka-text kami at magka-call.
Ilang araw lang ang lumipas sinagot ko siya agad kasi nga naman pa-fall.

Grade 7 pa lang kami 'nun ha,
Kung kaya't puro lang kilig at tawa.
Mas lalo ko siyang nakilala noong kami na.
Sweet, maalaga, at mapagmahal sa pamilya.
Diyan ako nahulog lalo, plus points lang ang gwapo niyang mukha.

Sa loob ng dalawang linggo,
Nakilala ko ang mga magulang at kapatid niya.
Sinong mag-aakala na ipapakilala niya ako sa kanila?
Pero wait, hindi nila alam na kami na.

Hindi man kami showy sa public,
Pero alam ng mga malalapit naming kaibigan kung anong meron kami.
Sa isip ko nga, napaka-perfect naman ng relasyon namin na 'yon.
Kasi hindi ako nakaramdam ng kaba at selos noong kami pa.

Hanggang sa dumating ang isang araw na meron kaming hindi pagkakaintindihan,
Eh di si ako na todo hurmentado, at siya na parang walang pakialam.
Doon naputol ang love story naming dalawa.
May paghabol pa ko sa kaniya, pero siya ayaw na.

Take note, nangyari lahat ng 'yon sa loob ng dalawang linggo lang.
Siyempre bata, kaya akala ko kami na hanggang katapusan.
First year, first love, first boyfriend.
Pero ayon, ni hindi man lang nag-isang buwan bago mag-end.

Mga isang taon ko din dinamdam ang heartbreak na 'yon.
Lagi ko pang nakakasalubong sa school kaya nahirapan mag-move on.
Habol ako dito, habol doon.
May pag-abot pa ng gifts para mapansin niya.
Pero balewala kasi nga galit siya at ayaw na daw niya akong makita.
So ayon nga, 'yung first love ko naglaho na parang bula.

Kung gusto mong makilala ang intense love ko,
'Wag kang mag-alala, may karugtong pa 'to.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 22, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Iba't-ibang Eksena sa Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon