XVI - Binalewala

10 1 0
                                    

"BINALEWALA"

Ikaw,
Ikaw na pala 'yung nagpapasaya sa kaniya.
Ikaw na pala 'yung tao sa mga kuwento at tawa niya.
Ikaw na pala 'yung nagmamay-ari sa kaniyang puso.
Ikaw na pala 'yung minamahal ng taong mahal ko.

Kaya hinihiling ko na lang kay Bathala,
Na sana'y di na siya muling luluha.
'Yung kasiyahan at puso niya,
Sayo ko na ipinauubaya.

Binalewala niya ako.
Binalewala niya ang nararamdaman ko.
Kaya napakaswerte mo,
Kasi hawak mo na 'yung puso ng taong tinuring kung buhay at mundo.

Binalewala niya ang paghihirap ko na magpapansin sa kaniya.
Binalewala niya ang pag-ibig na ilang beses kung inilaban sa iba.
Binalewala niya ako,
Kasi natagpuan na niya pala ang taong magmamay-ari ng kaniyang puso.

Tila nawalan ng saysay ang buhay ko.
Tila ang mundo ko'y unti-unting gumuguho.
Pero pakisabi na lang sa kaniya,
Na huwag siyang mag-alala dahil okay lang ako.

"Kapag mahal mo, hahayaan mo."
'Yan nga ang sabi nila.
Hahayaan mong mamaalam at lumisan.
Hahayaan mong sumaya sa taong mahal niya.

Ito na ang huling tulang mababasa niya.
Ito na ang huling mensaheng nangangahulugang malaya na siya.
Hindi na ako lalaban pa o magpupumilit.
Ipinapaubaya ko na siya sayo kahit sobrang sakit.

Kaya pakiusap, alagaan mo siya at mahalin.
Protektahan mo ang puso niya sa lahat ng bagay na makakasakit sa kaniya.
Pahalagahan mo ang taong pinaghirapan kong maging akin,
Na sa huli, sa iba pa rin pala mapupunta.

✖✖✖

------------------------------------------
Don't forget to vote, comment and share! 😊
Thanks for reading! ❤

AnneyzingGirl

Iba't-ibang Eksena sa Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon