"ULAN"
Ang ganda sa pakiramdam na kasama kita.
Para bang lahat ng pagod at problema nawala.
Lalo na nung ngumiti ka,
Sobrang ginhawa at saya ang nadama.Pero biglang sumagi sa isip ko.
Hanggang kailan kaya tayo ganito?
Bigla naman akong kinabahan.
Parang may iba akong naramdaman.Kinabukasan, tinawagan mo ako.
Sabi mo magkita tayo.
Dali-dali naman akong nag-ayos.
Pero biglang kinabahan na naman ako.Nakita kita sa silong ng puno naka-upo.
Kaya lumapit naman ako sayo.
Nakapikit ang iyong mga mata,
Kaya pinagmasdan ko muna ng mabuti ang iyong mukha.Ang mga mata mo'y unti-unti mong iminulat,
Kaya ako nama'y nagulat.
Pagtingin ko sa iyong mga mata,
Bakit lungkot at paghihinayang ang aking nakikita?Bigla mo akong niyakap sabay sabing,
"Sorry, pero ayoko na. Sana kaya mo akong patawarin."
Bigla naman akong natigilan,
Halo-halo na ang nararamdaman.Humiwalay ka sa pagkayakap at biglang tumayo.
"Minahal kita, pero ayoko na. Patawarin mo ako."
Pagkatapos mong bigkasin ang mga salitang yan,
Bigla mo na lang din akong tinalikuran.Doon ko na lang naramdaman,
Ang unti-unting pagpatak ng aking mga luha. Sobra pala ang sakit ng maiwan.
Lalo na ang iwan ka ng hindi sapat ang dahilan.Sabay sa pagbuhos ng malakas na ulan,
Hinihiling ko na alisin din nito ang sakit na aking nararamdaman.
Sana sabay sa pagtila ng ulan,
Hindi na rin ako nasasaktan.🌧💔
------------------------------------------
Don't forget to vote, comment and share! 😊
Thanks for reading! ❤
BINABASA MO ANG
Iba't-ibang Eksena sa Pag-ibig
PoesíaAno nga ba talaga ang PAG-IBIG? Ano ba talaga ang ganap dito? Ano kaya ang pakiramdan nito? A poem collection by AnneyzingGirl. Mga tulang parang may malalim na pinaghuhugutan. Lahat ng mga nararamdaman, inilalabas ko sa pamamagitan ng pagsulat ng...