IX - Unang Pagkikita

20 2 0
                                    

"UNANG PAGKIKITA"

Isang magandang umaga,
Noong una kitang nakita.
Sa isang silong ng puno,
Naka-upo at nagbabasa.

Mula sa di kalayuan,
Tahimik kang pinagmamasdan.
Ngumingiti na lang bigla,
Ng di ko namamalayan.

Marahil naramdaman mong may nagmamasid sayo.
Kaya bigla kang tumingin sa direksyon ko.
Agad naman akong napatungo.
Ramdam ko ang hiya sa sarili ko.

Ang bilis ng tibok ng puso ko.
Halo-halong emosyon ang laman nito.
Pagkahiya dahil nakita mong nakatingin ako sayo,
At konting kilig nang ang mga mata nati'y nag-tagpo.

Unti-unti naman akong lumingon sa puwesto mo kanina.
Nagulat naman ako dahil wala ka na.
Saan ka kaya pumunta?
Kailan ulit kita makikita?

🙂☺💞

🙂☺💞

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


------------------------------------------
Don't forget to vote, comment and share! 😊
Thanks for reading! ❤

AnneyzingGirl

Iba't-ibang Eksena sa Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon