"Tangang Panakip-butas"
Nasabihan ka na ba ng TANGA?
Ako kasi, OO.
Ilang beses na nga.Nagawa kong magpaka-tanga,
Napili kong maging panakip-butas,
Nagawa kong lokohin ang sarili ko,
Ng dahil lang sa mahal ko siya.Naging tanga ako,
Dahil hinayaan kong paniwalain ang sarili ko na gusto mo rin ako.
Napili kong maging panakip-butas,
Para takpan yang sugat sa puso mo.
Nagawa kong lokohin ang sarili ko,
Na baka sa kabila ng lahat ng ginawa kong 'to,
Matutunan mo rin akong mahalin tulad ng pagmamahal ko sayo.Nagmahal lang ako,
Pero anong nakuha ko?
Nasaktan lang ako diba?
Sobra-sobrang sakit pa nga.
Ng dahil lang sa minahal kita.Sa mahabang panahon,
Nagawa kong tiisin lahat ng 'yun.
Lahat ng sakit sa bawat banggit mo ng pangalan niya.
Kahit tayo naman ang magkasama.
Lahat ng sakit sa bawat kuwento mo ng pinagdaanan niyong dalawa.
Kahit ako naman ngayon ang kasama mong bumubuo ng mga bagong alaala.
Lahat ng sakit sa tuwing nakikita kitang ngumingiti pag dumaan siya.
Kahit ako ngang kasama mo, pilit na ngiti pa nga ibinibigay mo.Ng dahil lang sa mahal na mahal kita,
Nagawa kong tiisin lahat ng 'yun.
Gusto sana kitang sisihin sa lahat ng sakit na naramdaman ko.
Pero may karapatan ba ako?
Na isumbat lahat-lahat sayo kung bakit ako nagkakaganito?
Kung bakit ako nasasaktan ng ganito?Naisip ko rin kasi na,
Mula sa umpisa,
Ako naman talaga yung nagpakatanga diba?Kahit alam 'kong mahal mo pa siya,
Pinili ko pa ring manatili sa tabi mo.
Kahit alam 'kong masasaktan lang ako,
Ginawa ko pa rin kasi baka posibleng magkaroon ng tayo.Pero hindi ko magawang pagsisihan lahat ng 'to.
Dahil sa kaunting panahon,
Nagkasama tayo.
Kahit ng dahil sa pagmamahal 'kong lubos sayo,
Naging 'tangang panakip-butas' mo ako.🙈🙉🙊
------------------------------------------
Don't forget to vote, comment and share! 😊
Thanks for reading! ❤
BINABASA MO ANG
Iba't-ibang Eksena sa Pag-ibig
ПоэзияAno nga ba talaga ang PAG-IBIG? Ano ba talaga ang ganap dito? Ano kaya ang pakiramdan nito? A poem collection by AnneyzingGirl. Mga tulang parang may malalim na pinaghuhugutan. Lahat ng mga nararamdaman, inilalabas ko sa pamamagitan ng pagsulat ng...