XV - Merong 'Ikaw' at 'Ako', Pero Walang 'Tayo'

16 1 0
                                    

—Merong "IKAW" at "AKO", Pero Walang "TAYO"—

Alam ko na pareho tayong masaya,
Sa kung ano mang meron tayong dalawa.
Masaya ako sa tuwing nakikita ka,
At masaya ako kapag nakakausap kita.

Ito 'yung relasyon na walang lebel o pangalan.
Walang kasiguraduhan ang titulong "tayo".
Ang importante masaya tayo sa isa't-isa.
Kahit alam nating pareho na meron lang tayong "ikaw" at "ako".

"Mahal kita, mahal mo ako."
'Yan lang ang mga salitang pinanghahawakan ko.
At 'yung sinabi mong,
"Kailanman, hindi naging batayan ng pagmamahalan ang lebel ng "tayo" na hinahanap ng ibang tao."

Pero, hindi man lang ba sumagi sa isip mo?
Na paano na lang kung isa sa atin ang magsawa?
Matatapos na lang ba ang lahat sa "ikaw" at "ako"?
Bahala na kasi wala namang "tayo"?

'Yun ang nakakatakot sa relasyong walang lebel.
Wala ka ng magagawa kahit isa ka pang martyr,
'Pag bigla ka na lang iniwan.
Eh kasi nga wala ka namang titulo na pinanghahawakan.

Hindi ko talaga maiwasan,
Na mapa-isip na lang minsan.
Ano kaya ang pinagkaiba ng merong "tayo",
Sa relasyon ng "ikaw" lang at "ako"?

🙊❌


------------------------------------------
Don't forget to vote, comment and share! 😊
Thanks for reading! ❤

AnneyzingGirl


Iba't-ibang Eksena sa Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon